MAAARING napawi na ang mga pagbabalak na patalsikin si Pangulong Duterte sa kanyang puesto ngayon subalit may posibilidad bang ituloy ito ng mga Komunista sa darating na Disyembre.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Brig. General Edgard Arevalo, posibleng gawin ito kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakakatatag ng Communist Party of the Philippines.
Posibleng maganap ito sa kanilang pagdiriwang ng pagkakatatag. Ito ang sinabi ni General Arevalo sa panayam sa DZMM.
Kung hindi man natuloy ngayong Oktubre, possible pa ring magkaroon ng panganib sa Nobyembre at hanggang sa Disyembre. Magugunitang binanggit nila ang Red October na pagsasanib ng mga manggagawa, mga magsasaka, mangingisda at nang lehitimong mga kabilang sa oposisyon.
Niliwanag pa ni General Arevalo na tuloy ang kanilang kampanya laban sa mga armadong grupo hanggang sa buwan ng Disyembre.
1 2 3