|
||||||||
|
||
20181017melo.m4a
|
Hukuman, wala pang desisyon sa reklamo laban kay Senador Trillanes
HINDI pa naglalalabas ng desisyon si Judge Andres Soriano ng Makati Regional Trial Court Branch 148 sa kahilingan ng pamahalaang dakping muli si Senador Antonio Trillanes IV matapos ang matagal na pagpapawalang-saysay sa kasong coup d'etat.
Tatlong linggo na ang usapin sa tanggapan ng hukom. Magugunitang tumugon na ang Department of Justice sa kahilingan ng hukuman at umaasa na lamang magkakaroon ng desisyon.
AniMaria Rhodora Malabag-Peralta, clerk of court, wala pang desisyong lalabas ngayon o hanggang bukas. Walang binanggit ang opisyal ng hukuman kung kailan maglalabas ng desisyon ang hukom.
Hindi naglabas ng desisyon ang hukom sa kahilingan ng Department of Justice at itinakda ang pagdinig sa usapin noong Biyernes, ikalima ng Oktubre ng maghain ang magkabilang panig ng ebidensya sa isyu kung nag-apply ang senador para sa amnesty at pag-amin sa mga nagawang krimen noong 2003 Oakwood Mutiny at 2007 Manila Peninsula siege.
Nadeklara ng hukom na nakasumite na ang mga dokumento at magdedesisyon na lamang matapos kilalanin ang ebidensyang inihandog ng grupo ni Senador Trillanes.
Isang dating hukom ng Branch 148 ang may hawak samantalang pinawalang-saysay ng isa pang hukuman ang reklamo matapos magawaran ng amnesty noong 2011.
Maghihintay na lamang umano ang Department of Justice sa magiging pagkilos ng hukom, dagdag naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |