|
||||||||
|
||
181025dlysttapos.mp3
|
Kamakailan ay nagkaroon po tayo ng pagkakataon na makapanayam sina Von at Yonina Ng sa kanilang tahanan sa Beijing. Sila po ay mag-asawang Pinoy na nakapagtayo ng negosyo rito mismo sa Beijing, ang kabisera ng Tsina.
Alam po ninyo kapag sinabing negosyo, malamang ang pumapasok agad sa isip natin ay import/export, manufacturing, retailing at marami pang katulad na hanapbuhay sa linyang ito.
Pero, nasa ibang larangan ang negosyong itinayo nina Von at Yonina, dahil ito ay nasa linya ng kalusugan, fitness at martial arts. Sila ay nagtayo ng dalawang paaralan o training center ng Krav Maga dito sa kabisera ng Tsina.
Ang Krav Maga ay isang uri ng martial art na mula sa bansang Israel at nagsimula sa kanilang militar o Israel Self-defense Forces (IDF). Nitong mga nakaraang taon, sinimulan na rin itong ituro sa mga sibilyan sa buong mundo bilang isang uri ng ehersisyo at paraan ng pagtatanggol sa sarili, lalo na para sa mga kababaihan.
Ayon kina Von at Yonina, noong simula nagpunta sila sa Tsina dahil sa trabaho, Si Yonina ay dating mamamahayag at si Von naman ay isang pintor.
Anila, matapos ang 2008 Beijing Olympics, napakaraming pagbabagong nangyari sa Tsina at ang panahong ito ay kapanapanabik na panahon para sa pagsisimula ng bagong kabanata ng kanilang buhay, kaya naman nagdesisyon silang sa Tsina magtrabaho.
Pero, ang kanilang karera ay nagkaroon ng pagbabago at nagdesisyon silang magtayo ng sarili nilang paaralan ng Krav Maga. Narito at tunghayan natin ang kanilang kuwento at ang kanilang pananaw at karanasan tungkol sa Tsina.
Von at Yonina
Von
Von habang nagtuturo
Mga pinta ni Von
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |