Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK), idaraos ng DTI sa sidelines ng CIIE

(GMT+08:00) 2018-11-02 18:53:36       CRI

Gaganapin sa Nobyembre 5 hanggang 10, 2018, sa Shanghai, Tsina ang kauna-unahang China International Import Expo (CIIE). Ito ay isang importanteng aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayang pang-negosyo sa pagitan ng Tsina at maraming bansa sa buong mundo. Dadalo rito ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng maraming negosyanteng Pinoy at economic managers ng pamahalaang Pilipino sa pangunguna ni Kalihim Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kaugnay nito, idaraos din ng DTI ang entrepreneurship seminar at business roundtable meeting.

Bukod pa riyan, sa pagtataguyod ng DTI, gaganapin sa Nobyembre 5, 2018 ang seminar na "Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK)."

Sa pamamagitann nito, mahihikayat pumasok at magtayo ng sariling negosyo ang mga Pilipino na nakabase sa Shanghai at magkaloob ng tulong sa mga overseas Filipino investor (OFI) sa pagkuha ng impormasyon, network ng mga supplier at marami pang iba.

Ayon sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC) Shanghai, sa kasalukuyan, may mahigit 7,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Shanghai at mga kalapit na probinsya.

Kasabay nito, sa pamamagitan ng Board of Investments (BOI), magdaraos din ang DTI ng isang business roundtable meeting sa Nobyembre 6, 2018, kung saan si Kalihim Lopez ng DTI ay magpapakilala sa mga business leader na Tsino hinggil sa mga bentahe sa pagnenegosyo sa Pilipinas.

Ang nabanggit na TNK at business roundtable meeting, kasama ng business matching sa pagitan ng mga mangangalakal na Pilipino at Tsino, ay nasa magkakasamang pagtataguyod ng mga PTIC sa Shanghai, Beijing, at Guangzhou. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga networking opportunity na gaganapin sa CIIE.

Pabilyon ng Pilipinas sa CIIE

Glenn Penaranda (kanan) habang kinakapanayam ni Rhio Zablan ng Serbisyo Filipino

 Glenn Penaranda (kaliwa) habang naghahanda para sa video shoot ng Serbisyo Filipino

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>