|
||||||||
|
||
20181115DTI.mp3
|
Kasabay ng pagbubukas ng China International Import Expo (CIIE), pinakamalaking ekspo ng Tsina, idinaos din Nobyembre 5, 2018 ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Seminar.
Layon nitong i-enkorahe ang mga Pilipinong nagtatrabaho at namumuhay sa Shanghai at mga malapit na lugar na pumasok sa larangan ng negosyo at bigyan ng tamang akses sa impormasyon, network sa mga supplier, at iba pang pangangailangan ang mga Overseas Filipino Investor (OFI) upang tulungan silang magtagumpay sa kanilang negosyo.
Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Kalihim Ramon M. Lopez ng DTI, na sa pamamagitan ng TNK, matutulungan ang mga Pilipino upang mas maintindihan, at mapag-isipan ang mas maraming oportunidad para kumita ng mas malaki, sa pamamagitan ng mga serye ng leksyon sa pagnenegosyo, financial literacy at labor productivity.
Binigyan-diin ng kalihim na priyoridad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, na i-angat ang buhay ng lahat ng Pilipino mula sa kahirapan, at ang TNK ay isa sa mga inisyatiba upang marating ang layuning ito.
Nararapat lang aniya, na pagbalik ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Pilipinas, mayroon silang mapagkakakitaan.
Nais aniya ni Pangulong Duterte na patayin ang "5-6" na nagbabaon sa utang sa maliliit na negosyante.
Sa pamamagitan ng TNK, mapapataas ang kaisipan ng pagnenegosyo sa mga Pilipino at mas marami ang magkakaroon ng magandang buhay, aniya.
Samantala, pinasalamatan din ni Lopez si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagkakaroon ng malambot at maunawaing puso para sa Pilipinas.
Ani Lopez, dahil sa tulong ni Pangulong Xi, agarang napanumbalik ang pagluluwas ng mga prutas ng Pilipinas sa Tsina.
Sinabi pa niyang tutulong din si Pangulong Xi sa mas malawak pang pagkakaroon ng akses ng mga produktong Pilipino sa pamilihang Tsino, upang magkaroon ng balanseng trade ang Pilipinas at Tsina.
Ang TNK ay idinaos sa tulong ng Liwayway Marketing Corporation (LMC), Dai-Ichi at iba pang kompanyang Pilipinong nakabase sa lunsod.
Kalihim Ramon Lopez
Mga dumalo sa TNK Seminar
Panayam kay Kalihim Ramon Lopez
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |