|
||||||||
|
||
20181129melo.m4a
|
Tatlong pulis sa likod ng pagpatay kay Kian Delos Santos, nahatulan
NAPATUNAYANG nagkasala ang tatlong pulis ng pagpatay kay Kian delos Santos, isang 17-taong gulang na mag-aaral na sinabing isang tagapaghatid ng droga sa kanilang barangay.
Sa desisyon ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 sa ilalim ni Judge Roldolfo P. Azucena, Jr., napatunayang nagkasala ng pagpatay sina Police Officer 3 Arnel Joares, Police Officers 1 Jeremias Pedera at Jerwin Cruz. Pinawalang-sala ang mga pulis sa kasong paglalagay ng ebidensya sa napaslang. Inaasahang mabibilanggo ang tatlo mula 20 hanggang 40 taon sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Napaslang si delos Santos sa kalagitnaan ng madugong kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga noong ika-16 ng Agosto, 2017. Ayon sa ulat ng pulisya, namaril si Kian delos Santos kaya't pinaputukan ng mga pulis at napaslang. Taliwas ito sa nakita sa pelikulang nakuha sa closed circuit television (cctv) at pahayag ng mga nakasaksi.
Ayon sa 35-pahinang desisyon, inutusan ang mga nahatulang magbayad ng P 345,000 bilang civil indemnity, moral, actual at exemplary damages sa mga naulila ni Kian delos Santos.
Ilang mambabatas ang nagsabing mabuti ang naging desisyon subalit isang indikasyon din ng panangutan ng pamahalaan dahilan sa mga walang pakundangang pagpatay.
Nanawagan naman ang Commission on Human Rights na pag-ibayuhin ng pamahalaan ang pagkilos nito upang maiwasan na ang mga pagpatay at bumuo ng isang lupon na magsisiyasat sa mga naganap na krimen.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |