|
||||||||
|
||
20181206JackII.mp3
|
Noong nakaraang episode ay napag-usapan natin ang tungkol sa 51 Talk, ang kompanyang Tsinong nakabase sa Beijing na nag-e-empleyo ng halos 17,000 Pinoy.
Napakinggan din po ninyo ang aking panayam kay Jiajia Huang, ang Founder at CEO ng nasabing kompanya, pero, dahil kinapos tayo sa oras, naudlot ang ating pakikipagbalitaktakan sa kanya.
Sa episode na ito ng DLYST, itutuloy natin ang nasabing panayam at mapapakinggan muli natin si Jiajia Huang, upang ikuwento ang marami pang bagay tungkol 51 Talk.
Ang 51 Talk ay isang kompanyang Tsino, kung saan halos 16,000 Pilipino ang nagtatrabaho bilang online na tagapagturo ng Ingles sa mga Tsino.
Bukod dito, mayroon pa itong halos 1,000 full time na empleyadong nasa mga tanggapan sa Pilipinas.
Ito'y nakabase sa Beijing at may mga opisina sa mga lunsod ng Tsina na gaya ng Shanghai, Wuhan, Guangzhou, at Shenzhen.
Sa Pilipinas, ang 51 Talk ay may mga tanggapan din sa Manila, Baguio at Bacolod.
Para sa mga gustong subukang maging aplikante, magtungo lang sa 51talk.ph, magrehistro at sundin lang ang mga direksyon.
Jose Santiago Sta. Romana (gitna) habang tumatanggap ng paliwanag mula sa mga opisyal ng 51 Talk hinggil sa kanilang operasyon
Jose Santiago Sta. Romana (kaliwa) habang nakikipagkamay kay Jiajia Huang (kanan)
Jose Santiago Sta. Romana (kanan) habang pinagmamasdan ang mga kagamitan at sistema ng pagtuturo ng Ingles ng 51 Talk
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |