|
||||||||
|
||
181208taposmaarte.mp3
|
Ang Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi o Guangxi ay nasa dakong timog kanlunran ng Tsina.
Magandang tanawin ng Guangxi
Bukod sa nasyong Han, namumuhay dito ang iba't ibang pambansang minorya, at ang karamihan ay lahing Zhuang.
Ang tradisyonal na pestibal ng lahing Zhuang ng Guangxi
Sa mula't mula pa, ang Guangxi ay mayroon nang reputasyon bilang "dagat ng kanta."Tulad ng isang magandang tula, ito ang "lupa na sinasaklaw ng mga nota ng musika."
Kaya, tulad ng pamagat ng naturang kanta, ito ang "Tahanan ng Awit" ng Tsina. Samantala, ang "Awit ng Liao" ay isa sa mga pinakamatandang folk song ng Guangxi. Sa wika ng lahing Zhuang, ang "liao" ay sumasagisag sa "kasiyahan," kaya ang "Awit ng Liao" ay nangangahulugang "masayang kanta, masayang pag-awit."
Bukod sa "Awit ng Liao," maraming ibang uri ng folk songs sa Guangxi.
Pero, sa totoo lang, mayroon lamang dalawang estilo ang mga ito: una, ang ballad. Ito ang pinakamatandang folk song ng Guangxi, na may kinalaman sa kasaysayan o pambihirang kuwento. Bukod sa mga pambihirang alamat, mayroon ding tema ng romansa sa mga folk songs ng Guangxi.
Siguro, dahil malapit sa puso ng mga mamamayan sa Guangxi ang pag-awit, mula noong taong 1993, sinimulan sa lunsod Nanning, kapital ng Guangxi, ang pagdaraos ng Nanning International Folk Song Arts Festival.
Nanning International Folk Song Arts Festival.
Mula noong 2004, nakipagkooperasyon ang pestibal na ito sa China ASEAN Expo (CAEXPO), at naging mahalagang plataporma ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at iba pang mga bansa ng buong daigdig.
Ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, at noong nakaraang Setyembre, sa pagdaraos ng Ika-20 Nanning International Folk Song Arts Festival, idinaos din ang espesyal na gala.
Madalas nating sinabi na "ang musika ay walang pambansang hanggahan." Kahit ibat-iba ang wika, sa pamamagitan ng musika, mabuting nagpapalitan at naging matalik na magkaibigan ang mga mamamayan ng Guangxi sa buong Tsina at sa buong daigdig.
Sa Guangxi, namumuhay ang mga mamamayan ng iba't ibang nasyon
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |