Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabigha-bighaning Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi Unang Kabanata (Pagkain ng Guangxi)

(GMT+08:00) 2018-12-14 17:48:30       CRI

Kung ikaw ay papasyal sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, siguradong mabubusog ka sa maraming uri ng pagkain at meryenda. Ang lugar na ito ay maituturing na tagpuan ng kultura ng Timogsilangang Asya at Tsina, kaya naman napakamakulay ng kagawian, pananamit, sayaw at siyempre, pagkain dito.

Bukod pa riyan, ang Guangxi ang siya ring permanenteng tahanan ng China-ASEAN Exposition (CAExpo) at ginaganap ito tung Setyembre o Oktubre kada taon, kaya hindi lang ito tagpuan ng kultura ng Tsina at Timogsilangang Asya, kundi plataporma rin ito para sa pagpapalitang pang-ekonomiya ng dalawang panig.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng Guangxi ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito, kaya, para sa ilang susunod na episode ng DLYST, ihahatid po namin sa inyo ang ilang bagay-bagay, katakam-takam at nakakatuwang mga impormasyon tungkol sa kahanga-hanga at kabigha-bighaning lugar na ito.

Sa unang bahagi ng ating Guangxi special series, ipapakilala namin kayo sa mga kilalang lokal na putahe ng Guangxi.

01 Ang una ay ang Nudel ng Matalik ng Pagkakaibigan.

May matandang kuwento tungkol sa Nudel ng Matalik ng Pagkakaibigan. Noong dekada 30, isang matandang lalaking malimit pumunta sa tea house ang nagkalagnat. Ang may-ari ng bahay tsaa na si Zhou ay kanyang matalik na kaibigan at nag-alala ito sa kanyang matandang kaibigang may sakit.

Kay, ipinagluto ng nudel ni Zhou ang kaibigan at nilahukan niya ito ng bawang, sili, baka, at permentadong buto ng soya.

Matapos kainin ng matanda ang nudel, biglang nanumbalik ang kanyang sigla, at daglian itong nagpasalamat kay Zhou. Mula noon, ang ganitong uri ng nudel ay tinawag na Nudel ng Matalik ng Pagkakaibigan.

02 Ang susunod na pagkain ay ang Rice Nudel ng Guilin.

Kung iyong tatanungin ang isang taga-Guilin kung ano ang kanyang paboritong pagkain, siguradong ang sagot ay Rice Nudel ng Guilin.

Ang pagkaing ito ay maituturing na ika-4 na kayamanan ng Guilin.

Ang Guilin ay isang prefecture-level na lunsod, at matatagpuan sa hilagangsilangan ng Guangxi.

Ayon sa balita, may isang dayuhang nanatili ng ilang buwan sa Guilin at ang unang pangungusap kanyang natutunan ay "er liang mi fen," na ngangahulugang isang mangkok ng Rice Nudel ng Guilin.

03 Maasim na Pagkain o "Suan Ye"

Ito ay pinaghalong lokal at napapanahong prutas at gulay na tulad ng papaw, carrot, pipino, ugat ng lotus, broccoli at pinya, na inatchara sa suka, paminta at asukal.

Ito'y maasim, masarap, at maanghang pampagana.

04 Damong Jelly

Ito ay kilala rin bilang Imortal na Jelly sa timog Tsina, at madalas kainin bilang minatamis sa tag-init sa timog Tsina, lalo na sa Guangxi.

Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagha-halo ng itim na jelly na mula sa "xiancao" (tinatawag ding Imortal na Damo, isang uri ng lokal na halaman na pinaniniwalaang epektibo laban sa init) mani, taro, pinto beans at kubo o piraso ng glutinous rice. Ito'y matamis at mas mainam kapag isinilbi ng malamig.

05 Glutinous na Kaning Dumpling

Ito ay ibinabad na mataas na uring glutinous rice na ihinalo sa iba pang rekado; ibinalot sa dahon ng kawayan at pinakuluan. Maraming uri ng masarap na Glutinous na Kaning Dumpling na kinabibilangan ng bean, chestnut ng buto ng lotus.

06 Binilot na Kaning Nudel

Ito ay rice milk na inilagay sa tray at ikinalat sa manipis na bibingka. Nilalagyan din ito ng giniling na karne, at dahon ng sibuyas. Ito ay nirorolyo at hinahaluan ng toyo at taba ng sesame. Ito'y may malambot, makinis at masarap na lasa.

07 Beer-braised na Isda sa Istilong Yangshuo

Ang Yang Shuo ay isa sa pinakamagagandang matandang bayan ng Guangxi. Ito'y napaliligiran ng limestone at nababakuran sa magkabilang gilid ng Ilog Li.

Sa pampang ng Ilog Li, matatagpuan ang ilang restawran na nag-e-espesyalista sa putaheng Beer-braised na Isda sa Istilong Yangshuo.

Ang mga isadang ginagamit ay mula mismo sa Ilog Li.

Ang tubig na panluto ay halo ng serbesa, dou ban jiang (chili paste na permentado ng fava beans), at permentadong tofu.

Ito'y may mayamang komplikadong lasa ng isda.

08 Malamig na Tsaa

Ang klima ng Guangxi ay mainit at basa na tulad ng Pilipinas, at maraming tao na naninirahan dito ang umiinom ng pampalamig dahil sa klima.

Kaya naman, ang Malamig na Tsaa ay popular sa Guangxi. Ang Malamig na Tsaa ay may kaunting pait, pero, gusting-gusto ito ng mga mamamayan ng Guangxi.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>