|
||||||||
|
||
181222taposmaarte.mp3
|
Magandang gabi mga kaibigan, ang tema ng ating programa ngayong gabi ay tungkol sa Pasko.
Noong mga nakaraang panahon, hindi ipinagdiriwang ang Pasko sa Tsina. Pero ngayon, kasabay ng globalisasyon, ang daigdig ay naging "global village" at ang iba't ibang kultura ay nagsimulang maghalo at maging isa. Kaya naman, naging popular rin ang Pasko sa Tsina.
Sa ating episode ngayong gabi, naghanda kami ng mga kawili-wili at espesyal na musika para sa inyo.
Noong nakaraang programa, ibinahagi namin ang tungkol sa 12 Girls Band, na isang bandang binubuo ng 12 batang babae na tumutugtog ng mga tradsiyonal na instrumentong Tsino.
Nagpalabas sila ng isang napaka-interesanteng album, partikular, mga kantang Pamasko. Sa album na ito, tinugtog nila ang mga kantang Pamasko sa pagmamagitan ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino, na tulad ng "Jingel Bells " na naririnig ninyo.
Ngayong gabi, ihahatid namin para sa inyong listening pleasure ang mga kantang Pamaskong tinugtog sa pamamagitan ng mga tradisyonal na instrumenting Tsino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |