Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kultura sa Guangxi

(GMT+08:00) 2019-01-04 16:16:34       CRI

Sa episode na ito ng DLYST, ilalahad namin sa inyo ang tungkol sa Lahing Zhuang ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina.

Kamakailan ay ipinagdiwang ng Guangxi ang ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag nito, kaya, para sa ilang susunod na episode ng DLYST, ihahatid namin sa inyo ang ilang bagay-bagay, katakam-takam at nakakatuwang mga impormasyon tungkol sa kahanga-hanga at kabigha-bighaning lugar na ito.

Napakagandang tanawin sa Guangxi

1. Populasyon at Distribusyon

Ang etnikong grupo ng Zhuang ay may bilang na umaabot sa 16,178,811. Ito ang pinakamalaking minoryang grupo ng Tsina, at may mahaba at maluwalhating kultura.

Mahigit 90 porsiyento ng mga Zhuang ay namumuhay sa Guangxi Zhuang Autonomous Region. Ang iba ay nasa mga lalawigang gaya ng Yunnan, Guangdong, Guizhou at Hunan.

2. Wika at Karakter

Ang etnikong Zhuang ay may sariling wika, na kabilang sa sangay ng Zhuang-Dai, mula sa pamilya ng wika ng Zhuang-Dong Austronesian (ang Zhuang-Dong Austronesian ay nabibilang sa pamilya ng wika ng Sino-Tibetan).

Bago ang taong 1955, ginamit ang Karakter Tsino sa pagsulat ng wikang ito, pero, mula 1957, sa tulong ng pamahalaang Tsino, ginawa ang isang sistema ng pagsusulat na base sa titik Latino.

Mula noon, nagkaroon sila ng sariling lengguwahe. Noong taong 1982, nirebisa ang wika ng Etnikong Zhuang at malawakan itong ginamit sa Guangxi.

3. Paniniwala

Mula sinaunang panahon, marami nang panniwala ang Etnikong Zhuang. Naniniwala sa sila sa pagpaparami, sa mga simbolo, at mga ninuno. Sa ngayon, marami sa kanila ay pagano, at naniniwala sa kapangyarihan ng kalikasan tulad ng malalaking puno, matataas na bundok, lupa, araw, tubig at marami pang iba.

Mayroon din silang seremonya ng mga sakripisyo upang magkaroon sila ng magandang kapalaran.

4. Pagkain at Kultura

Ang mga pangunahing produkto ng Guangxi ay mga tropikal at subtropikal na panananim na tulad ng palay at mais dahil sa malumanay klima at maraming ulan sa lugar.

Kumakain ng ibat-ibang uri ng karne ang mga tao, kabilang na ang baka, kambing, baboy, manok at iba pa.

Marami rin ditong gulay, at kabilang sa mga paborito ay ang inatsara at sinuam na gulay.

Ang mga mamamayan ay magiliw sa panauhin, at laging nariyan ang alak kapag may panauhin. Ipinakikita sa mga bisita ang kakaibang uri ng pag-inom, sa pamamagitan ng pag-krus ng bisig habang iniinom ang alak sa pamamagitan ng kutsara. Bilang tanda ng respeto, nauunang kumain ang mga nakakatanda.

 Mga mamamayan na namumuhay sa Guangxi

5. Pananamit

Ang estilo ng pananamit ay nagkakaiba, depende sa lugar. Ang kasuotan ng mga lalaking Zhuang ay may kaunti lamang pagkakaiba kumpara sa mayoryang Han ng Tsina. Ang mga babaeng Zhuang naman ay malaking pagkakaiba kumpara sa mga mayoryang Han. Halimbawa, ang mga kababaihan sa hilagangkanluran ng Guangxi ay kadalasang nagsusuot ng walang kuwelyo at binurdahang diyaket, na may butones sa bandang kaliwa at tinernohan ng maluwang at malapad na pantalon, o may pilyegeng palda at binurdahang sinturon. Ang mga kababaihan naman sa timog kanlurang Guangxi ay nagsusuot ng walang kuwelyong diyaket, na may butones sa bandang kaliwa, itim at parisukat na sapula sa ulo at maluwang na pantalon. Marami sa kanila ay nagsusuot ng mga pilak na palamuti.

6. Kakayahan

Tulad ng ibang etnikong grupo, ang mga babaeng Zhuang ay may kakayahan sa paghahabi at pagbuburda. Magaganda ang kanilang mga disenyo sa hinabing bulak ng sinulid na may brokado at marami pang iba.

Ang mga brokado ng Zhuang ay kilala sa kulay, kintab, tibay, at ibat-ibang gamit.

Ang isa pa nilang kakayahan ay ang pagtitina gamit ang waks. Kayo ay mabibighani sa kanilang karpet, apron, kobrekama, sinturon, tapete sa lamesa, kurtina at iba pa. Kilala rin ang mga brokado ng Zhuang, hindi lamang sa Tsina, kundi sa buong mundo.

7. Pestibal

Mayroong mga katangi-tanging pestibal ang mga Zhuang tulad ng the Devil Festival, Ox Soul Festival, at Pestibal ng Pagkanta.

Ang Devil Festival ay idinaraos tuwing Hulyo 14 ng lunar na buwan. Ito ay kanilang kinikilala bilang ikalawang pinakamahalagang pestibal, pangalawa sa Pestibal ng Tagsibol. Sa bisperas ng Devil Festival, bawat pamilya ay naghahanda ng espesyal na kasuotan at naglilinis ng bahay. Sa araw ng pestibal, maraming pagkaing tulad ng bibe, baboy, alak at minatamis ang i-a-alay sa kanilang mga ninuno.

Ang Ox Soul Festival ay ginagawa tuwing Abril 8 ng lunar na kalendaryo upang ipagdiwang ang kaarawan ng hari ng mga baka at ipakita ang kanilang respeto sa mga baka, dahil malaking tulong ang mga baka sa kanilang pagsasaka. Sa araw, na ito, pinaliliguan ng mga tao ang kanilang mga baka sa saliw ng tambol. Maliban dito, pinapakain ng five-colored glutinous rice ng mga magulang ng pamilya ang baka habang umaawit ng mga tradisyonal kanta. Ito ay pestibal na kumakatawan sa malaking pag-asa para sa magandang ani.

Ang Pestibal ng Pagkanta ay malaking sentimental na okasyon sa pamamagitan ng mga awit. Sa panahon ng pestibal, mag-aalay sila ng sakripisyo kay Sanjie Liu (isang babaeng Zhuang na magaling sa pagkanta). Matapos ito, magkokompetisyon sila sap ag-awit. Ang mga liriko ay inimbento lamang at kadalasang nakakatawa. Ito rin ay mahalagang araw para sa mga kalalkihan upang manligaw at ipakita ang kanilang talent sap ag-awit sa kanilang napupusuan. Kaya, tinawag din itong Valentine's Day ng Zhuang ethnic minority.

8. Iba pang Kultura

Mayroon din silang mga fresco at tansong tambol.

Ang mga fresco ng Zhuang ay inukit sa matatarik na bangin. Kabilang sa kanilang mga obra ay ibat-ibang uri ng hayop at iba pang gawang sining na ginawa 2,000 taon na ang nakakaraan.

Ang mga tansong tambol naman ay ginagamit sa mga sakripisyal na seremonya at at mahalagang pestibal. Sa itaas at gilid ng mga tambol, makikita ang araw, palaka, dragon, sumasayaw na kababaihan, at iba pang dekorasyon. Ito ay pagpapakita ng kanilang pagtatangi sa araw at palaka. Sa ngayon, ang tansong tambol ay isang di-maihihiwalay na musikal na instrumento sa kanilang mga pestibal.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>