|
||||||||
|
||
20190117OFW.mp3
|
Raffy Hermoso, Media Officer ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing
Bilang pagkilala sa Buwan ng mga Overseas Filipinos; inilunsad kamakailan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas (DFA) ang kampanyang tinaguriang "The Global Filipino."
Ayon sa opisyal na dokumentong mula sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, ang nasabing kampanya ay alinsunod sa bisa ng Proklamasyon Bilang 276, Serye 1988, at pag-endorso ng United Nations General Assembly (UNGA) sa Global Compact on Safe, Orderly, and Regular Migration noong Disyembre 19, 2018.
Anang Pasuguang Pilipino, layon ng nasabing kampanyang palakasin ang kamalayan ng publiko sa dibersidad ng mga Komunidad-Pilipino na nasa ibang bansa, na kinabibilangan ng mga manggagawa, negosyante, estudyante, alagad ng sining, misyonaryo, turista, at marami pang iba.
Bibigyang-importansya ng The Global Filipino ang kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa kanilang bansang pinagtatrabahuhan, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga kuwento sa social media, tulad ng website ng DFA, Twitter, at Instagram, dagdag pa ng embahada.
Bukod dito, sinabi rin ng pasuguang Pilipino na susuportahan ng kampanya ang gawaing pandiplomasiya ng DFA at pasusulungin ang naisin nitong mapalapit sa mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa sa pamamagitan ng social media.
Nominado sa naturang kampanya ang inyong lingkod, Rhio Zablan.
Ayon sa alituntunin, ang mga nominado ay maaring pumili ng tatlo sa labintatlong katanungan, at sa pamamagitan ng 500 salita, kailangang sagutin ang bawat isa sa mga ito.
Maaari ring sagutin ang mga napiling katanungan sa pamamagitan ng video.
Kabilang sa mga tanong ay ang mga sumusunod:
1. Ano ang kuwento ng iyong buhay bilang isang Pilipinong naninirahan/ nagtratrabaho/ nag-aaral/ naglalakabay sa ibang bansa?
2. Ano ang nagtulak sa iyo para manirahan/ magtrabaho/ mag-aral/ maglakbay sa ibang bansa?
3. Ano ang pinakmatinding hamon na iyong kinaharap sa pagtira/ pagtratrabaho/ pag-aaral/ paglalakabay sa ibang bansa, at paano mo ito nalampsan.
4. Ano ang iyong napagtanto sa iyong karanasan bilang isang Pilipinong naninirahan/ nagtratrabaho/ nag-aaral/ naglalakabay sa ibang bansa?
5. Paano mo bibigyan kahulugan ang salitang "Tagumpay"?
6. Itinuturing mo bang nagtagumbay ka na sa napili mong larangan?
7. Ano ang pinakamatayog mong pangarap sa buhay?
8. Sa iyong saliling pananalita, paano mo maipapaliwanag ang pagiging isang Pilipino?
9. Ano ang isang bagay na masasabi mong ipinagmamalaki mo na isa kang Pilipino?
10. Ano ang pinakanami-miss mo sa Pilipinas?
11. Ano gusto mong malaman ng iyong mga kaibigang o katrabahong banyaga tungkol sa Pilipinas?
12. Ano ang gusto mong ituro o ipamana sa iyong mga anak (o magiging mga anak) tungkol sa pagiging Pilipino?
13. Ano ang iyong pangarap para sa Pilipinas?
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |