Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Departure alone the sea

(GMT+08:00) 2019-01-29 09:43:42       CRI

 

Magandang tanawin sa nayon

Si Liu Shijie ay isang matandang lalaki na lampas 80 taong gulang ngayong taon. Siya ay isang mangingisda, at ito ang hanap buhay niya mula't mula pa.

 Si Liu Shijie

Namumuhay si Shijie sa isang maliit na fishing village malapit sa dagat. Kasama niya ang anak na lalaki ay manugang. Namatay ang kanyang asawa ilang taon na ang nakalipas. Tulad ni Liu, ang kanyang anak na lalaki na si Liu Weiguo ay isang mangingisda rin.

Simple ang buhay ni Jie. Bawat umaga bumabangon siya nang maaga. Tapos, naglilinis siya ng kanilang maliit na yard. Tapos, pumunta siya sa dagat para sa paglalakad. Nadaanan niya ang isang maliit na parke kung saan nagtipon-tipon ang mga matatanda, mga kaibigan ni Jie. Naglalaro sila ng Chinese chess sa parke. Naglaro rin minsan si Jie kamasa ng kanyang mga kaibigan.

Pero, sa araw na iyon, nang mapadaan sa parke, tinanggihan ni Jie ang paganyaya ng paglalaro ng chess mula sa kanyang mga kaibigan. Sinabi niyang habang may ngiti sa kanyang mukha na: "Si Chuang ay umuwi na."

Si Liu Shouchuang

Ang buong pangalan ni Chuang ay Liu Shouchuang, siya ay grandson ni Jie. Ilang taong nakaraan, lumisan ng nayon si Chuang at pumunta sa lunsod Hangzhou para mag-aral sa unibersidad. Sapul noon, naging madalang na ang pag-uwi niya sa pamilya.

Nang pumasok sa bahay, nakita ni Jie na nakaupo ang kanyang grandson sa sitting room. Ngayong big boy na siya, naging maliit ang lumang sitting room. Sa kusina, abala-abala si Mrs. Liu, nagluluto siya para sa batang anak. Umupo sina Chuang at kayang tatay na si Guo sa sitting room, pero, tahimik ang atmospera. Walang salita ang father at son.

Natapos ang pagluluto ni Mrs Liu. Ang dining table ng pamiliya Liu ay napuno ng lokal na mga putahe. Mayroong itong isda, shrimp, crab at iba pang seafood. Sa dining table, nanatili ang katahimikan. It seems mahirap para kay Guo na hanapin ang isang angkop na paksa para pag-usapan nila ng anak. Sa bandang huli, sinabi ni Guo na: "Ano ang trabaho mo ngayon?"

Sinabi ni Chuang na: "Art photography."

Bilang isang matandang mangingisda na hindi lumabas sa village, hindi alam ng tatay ang trabaho na ito. Nagtanong siya sa kanyang anak: "Kumukuha ka ng larawan para sa ibang tao tama?"

Kumunot ang kilay ni Chuang, at hindi sinangot ang tanong ng kanyang ama.

Medyo nainis si Guo. At nang ilalabas na ang galit, saka namang sinabi ni Chuang na "Magpapakasal na ako."

Nagulat pero masaya ang tatay, nanay at lolo. Si Chuang ang tanging apo ng pamiliyang ito, ngayong magpapakasal siya, soon, si Jie ay maaaring salubungin ang kanyang 4th generation, isang cute na baby great grandson.

The next day, dumating sa tahanan ng pamiliya Liu ang isang guest. Isang babae, ang girlfreind ni Chuang, na si Qian Lu.

Si Lu ay classmate ni Chuang sa unibersidad ng Hangzhou. Siya ay maganda at polite, agarang nag-iwan ng mabuting impresyon sa elder ng pamiliya Liu. Sa araw na ito, mas masaya at kaaya-aya ang atmospera sa dining table. Masayang tinalakay ng tatay, nanay at grandpa ang wedding nina Chuang at Lu. Sinabi niya na ayon sa tradition ng village, bago ang opisyal na wedding, mayroong isang dapat gawing kaugalian, na kinabibilangan ng fortune telling, pagpili ng isang "lucky day", pagbibigay ng regalo sa isa't isa ng dalawang pamiliya at iba pa. Nang sabihing may nakalaan nang ang isang bedroom sa bahay bilang wedding room ng magpapakasal, marahang sinabi ni Lu na sila'y may napiling apartment sa Hangzhou.

Pagkataos ng embarrassing silence, naging galit muli ang tatay. Sinabi niyang: "Naiintindihan ko. Ni hindi ka nagpaalam at hiningi ang payo ko, ngayong sinabihan mo ako at pagkatapos hihingi ka ng perang pambili ng apartment sa Hangzhou. "

Galit namang sumagot si Chuang na hindi niya gusto ng pera. Pero, tiyak na mabubuhay sila sa Hangzhou. Aniya,"Mangingisda ang ang lolo at mangingisda ka rin pero, hindi ko gustong maging mangingisda tulad ninyo. Mahal na mahal ko ang Art photography at tiyak na magiging isang great photographer ako."

Kasabay nito, umiyak si Lu at sinabi niya na: "Maunlad ang lunsod, ito ay mas mabuting sa pagunlad ng karera namin at edukasyon para sa magiging apo ninyo. Buntis na po ako."

 Di-masayang dinner

Walang imik si Guo at kanyang asawa. Sa oras na ito, tumayo si Lolo Jie. May kinuha sa kwarto at bumalik siya sa dining table, mayroong isang maliit na pulang pakete sa kamay niya. Binuksan ni Jie ang pakete, sa loob nito ay dalawang pares ng puting insoles.

Sinabi ni Jie na: "Ito ang insoles na ginawa ng grandma mo bago siya pumanaw, para sa kanyang grandson at asawa niya sa hinaharap. Sinabi niya na hindi niya alam ang size ng feet ng granddaughter-in-law kaya gumawa siya ng dalawang pares, kapuwa maliit at malaking sizes

Ipinasa ni Jie ang pulang pakete sa dalawang kabataan, kasama ang isang bank card: "Ito ang pera ko, hindi marami, pero maaaring tulungan kayo sa pagbili ng apartment sa Hangzhou."

Lumakad sa dagat si Lolo Jie, kasama niya ang anak, manugang, apong lalaki at mapapangasawa nito. Sa baybayin, habang humahampas ang alon, sinabi ni Lolo Jie na: "Naging mas maliit ang populasyon sa nayon. " Nanatiling walang imik ang ibang miyembro ng pamilya.

  talking

 

Nag-uusap ang lolo at grandson

Pagkaraan ng ilang sandali, bitbit ang camera at sinabi ni Chuang na "Kunan ko kayo aking kapamilya ng litrato."

Ginamit ang dagat bilang background, kumuha si Chuang ang larawan para sa kanyang tatay, nanay at lolo.

Pero, hindi niya alam na, ito na ang last time na makukunan niya ng litrato ang kanyang lolo. Dahil ang Lolo Jie ay mayroong cancer. Pagkatapos ng ilang buwan, pumanaw siya sa daigdig na ito.

 Larawan ng buong pamiliya

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>