|
||||||||
|
||
190202part01maartetapos.mp3
|
Sa ika-5 ng Pebrero ay Spring Festival ng Tsina. Alam natin na ang Tsina ay may maraming pestibal, pero ang Spring Festival o Chun Jie ay ang pinakamahalaga para sa lahat ng mamamayang Tsino.
Mula noong sinaunang panahon hanggang ngayon, ang Spring Festival ay araw ng pagtitipun-tipon at pagsasaya.
Noong unang panahon, idinaraos ng mga Tsino ang maringal na temple fair bilang pagdiriwang sa Spring Festival.
Sa modernong panahon, ang Spring Festival Gala ang isa sa mga pinakamahalagang programa sa pestibal.
Opisyal na sinimulan ng Tsina ang Spring Festival Gala noong 1983, at hanggang ngayon, mayroon na itong 36 na taong kasaysayan.
Sa Spring Festival Gala, maaaring i-enjoy ang maraming kapana-panabik na pagtatanghal na may iba't ibang uri.
Kaya siyempre, sa gala bawat taon, mayroong magagandang kanta.
Sa Tsina, napapanood ng bawat tao ang Spring Festival Gala, kaya ang mga kantang ipinalalabas ay agarang nagiging popular.
Kaya ngayong gabi at sa susunod pang episode ng MaArte Ako, pinili namin ang mga pinakamagandang kanta na inilabas sa Spring Festival Gala mula 1998 hanggang 2018, bilang isang espesyal na regalo sa inyo sa Spring Festival.
Ang kauna-unahang kanta na ibabahagi namin, ay "Date 1998" na inilabas sa gala noong 1998, at inawit ito ng dalawang kilalang female singer, na sina Faye Wong, at Na Ying.
Ang susunod na kanta ay mula sa Spring Festival Gala noong 1999, na pinamagatang "Eighteen bending mountain." Ito ay isang folk song na inawit ni Li Qiong. Si Li Qiong ay isang napakatalentadong mang-aawit.
Noong 1999, ang maliwanag niyang boses ay sumorpresa sa lahat ng mamamayang Tsino.
Ang estilo ng susunod na kanta ay iba kumpara sa nakaraan ninyong narinig.
Ito ang "Always be with you for my whole life." Ito'y isang matamis at malumanay na love song, mula sa Spring Festival Gala noong taong 2000. Ang singer nito ay ang kilalang si Nicholas Tse. Hanggang sa ngayon, popular pa rin siya.
Ang susunod na kanta ay obra mula sa 2001 gala. Ito'y isang kantang nagpakita ng pagmamahal sa inang bayan na pinamagatang "I Love you China." Ang mang-aawit nito ay si Ye Fan, at ang piano tinugtog ng kilalang pianost na si Yun Di Li.
Mga kaibigan, ang last song sa gabing ito ay may pinamagatang "Magandang bagong dekada," isang maliwanag at masayang kantang inawit ni Leehom Wang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |