|
||||||||
|
||
20190131SpringFestivalII.mp3
|
"Chunjie kuaile," "maligayang bagong taon ng baboy sa inyong lahat."
Sa Tsina, ang selebrasyon para sa Spring Festival o Chunjie ay tumatagal ng dalawang lingo, dahil ito ang pinakamahalagang selebrasyon para sa Nasyong Tsino.
Sa panahong ito, maraming masasarap na pagkain ang inihahanda at karamihan sa mga ito ay ang mga "pagkaing pampabuwenas."
Ang pagkain ay mahalaga hindi lamang sa New Year's Eve, kundi maging sa mga sumusunod na araw ng kapistahang ito.
Sa panahon ng Chunjie bumibisita ang mga Tsino sa kanilang mga kamag-anakan, samantalang ang punong-abala o host ay naghahandog naman ng mga masarap na pagkain para sa mga bisita.
Ang mga inihahain sa panahong ito ay ang mga tinatawag na "pagkaing pampabuwenas."
Ang "pagkaing pampabuwenas" ay tumutukoy sa mga pagkain na nagpapakita ng mabuting hangarin ng mga tao para sa bagong taon.
Jiao Zi
Ang unang-unang pagkaing pampabuwenas o pagkaing pinaniniwalaang makakapaghatid ng suwerte ay isda.
Sa wikang Tsino ang bigkas sa isda ay "Yu" at pareho ito sa bigkas ng "Kasaganaan."
Sa karaniwan, ang espesyal na putaheng isda ay hindi kinakain hangga't hindi sumapit ang alas dose ng gabi ng unang araw ng taon.
Ito ang tinatawag ng mga Tsino na "may kasaganaan bawat taon."
Parang play of words, di ba? Dahil dito, ang putahe ng isda ay naging sagisag ng mabuting hangarin para sa bagong taon.
Mayroon pang isang halimbawa na gumagamit ng play of words.
Sa panahon ng Chunjie, popular ang isang pagkain sa dakong timog ng Tsina na tinatawag na "New Year's Cake" o "Nian Gao."
Ang keyk na ito ay iba sa birthday cake.
Gawa ito sa glutinous rice at hugis laryo.
Para kainin, kailangan itong hiwa-hiwaiin sa manipis na piraso at puwedeng pasingawan o igisa kasama ng karne at kulay.
Seafood Reunion
Ngayon, dumako naman tayo sa ikalawang uri ng mga pagkain sa Spring Festival, at ang mga ito ay may kinalaman sa hugis o kulay.
Ang pinakakilalang halimbawa ng uring ito ay Chinese dumpling o Jiaozi.
Ang Chinese dumpling ay isang masarap na pagkain at madali itong gawin at lutuin.
Ito ay pagkaing hindi dapat mawala sa panahon ng Chinese New Year.
Ang hugis ng Chinese Dumpling ay kahawig ng ingot na ginamit na salapi noong sinaunang panahon.
Ang pagkain nito sa Chunjie ay nagpapahayag ng hangaring "maging masagana sa bagong taon."
Ito ang dahilan kaya ang Chinese Dumpling ay hindi dapat mawala tuwing Chunjie.
Isda
Sa puntong ito mga kaibigan, pakinggan naman natin ang pagpapahayag ng mabuting hangarin at pagbati sa Chunjie ng mga miyembro at opisyal ng Radyo Internasyonal ng Tsina – China Media Group.
Stir fried corn with pine nuts
May isa pang "pagkaing pampabuwenas" na may kinalaman sa hugis, at ito ay ang Yuanxiao. Ang Yuanxiao ay isang matamis na pagkaing gawa sa giniling na malagkit, at sa karaniwan, ito ay kinakain sa ika-15 araw ng unang buwan ng Chinese Lunar Calendar.
Ang araw na ito ay ang huling araw ng mahabang selebrasyon ng Spring Festival.
At dahil nga sa pagkain ng Yuanxiao, ang araw na ito ay tinawag na Pestibal ng Yuanxiao.
May iba't ibang uri ng Yuanxiao sa Tsina. May malaki na 2 hanggang 3 sentimetro ang diyametro, at maliit na 1 sentimetro lang ang diyametro.
Puwede ring may palaman o wala. Pero, isa lang ang hugis ng Yuanxiao: ito'y hugis-bola.
Ang hugis-bola ay itinuturing ng mga Tsino na "mabuting pagtatapos," na tulad ng "tuldok." Kaya, ang pagkain ng Yuanxiao sa Spring Festival o Chunjie ay nagpapakita ng hangaring "magkaroon ng mabuting pagtatapos ang lahat ng mga pangyayari sa nakaraang na taon."
Yuan xiao
Pagdating naman sa kulay ng "pagkaing masuwerte," nariyan ang "stir-fried corn kernels and pine nuts."
Ang pangalang ibinigay ng mga Tsino sa putaheng ito ay nangangahulugang, "sana'y mapuno ng ginto at hade ang inyong silid-hapunan."
Ang butill ng mais ay kulay ginto at ang buto naman ng pino ay kulay hade, kaya ang putaheng ito ay puno ng ginto at hade.
Ito ay nagpapakita rin ng hangaring maging mabuti at masagana ang darating na taon.
Nian gao
Nabanggit natin kanina na ang mga "pagkaing pampabuwenas," ay may kinalaman sa bigkas, hugis at kulay.
Pero, may isang pang uri ng "pagkaing pampabuwenas," at ito ay may kinalaman sa paraan ng pagluluto.
Ang pinakamagandang halimbawa ng uring ito ay ang "halu-halong sea food," isa ring tradisyonal na putaheng madalas na nakikita sa bangkete sa panahon ng Chunjie.
Sa putaheng ito, pinaghahalu-halo ang iba't ibang uri ng sea food, kaya tinawag din itong "sea food reunion."
Kapareho ng ating Pasko sa Pilipinas, isang mahalagang tema ng Chunjie ay "family reunion."
Kaya, ang putaheng ito, na sumisimbolo sa pagsa-sama-sama ay naglalayong magpahayag ng mabuting hangarin ng pagsa-sama-sama ng buong pamilya sa pagsapit ng Chunjie.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |