Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yuan Xiao Jie: Pestibal ng makukulay na parol

(GMT+08:00) 2019-02-21 16:24:34       CRI

Ipinagdiwang sa Tsina noong Pebrero 19 ang Yuan Xiao Jie, o Pestibal ng Parol, at sa episode na ito ng DLYST, ikukuwento po namin sa inyo ang makulay at mayamang tradisyong ito, na nagmula pa sa sinaunang Tsina.

Yuan Xiao na may ibat-ibang kulay

Pero bago ang lahat, nais ko munang magbigay ng personal na komentaryo hinggil sa isang isyung naging mainit kamakailan diyan sa atin, at ito ay ang insidente ng pagsasaboy ng taho ng isang estudyanteng Tsino sa isang Pilipinong pulis.

Nag-viral kamakailan sa social media ang insidente ng pananaboy ng taho sa isang pulis noong Pebrero 9, ni Zhang Jiale, isang 23 taong gulang na babaeng Tsinong estudyante ng fashion design sa Pilipinas.

Zhang Jiale (kaliwa) kasama ang isang pulis

Marami sa atin ang nabigla sa pangyayaring ito, at marami rin ang dagliang nagbigay ng mga komento sa Facebook at iba pang social media platform.

Hayaan po ninyong ipahayag ko ang aking singko sentimong halaga ng palagay sa isyung ito.

Unang-una, nais po nating sabihin, na kahit anuman ang naging dahilan ni Zhang, mali ang kanyang ginawa at ito'y dapat lapatan ng karampatang parusa.

Ikalawa, huwag po sana tayong makinig sa mga taong pinupulitika ang nasabing pangyayari, at ini-u-ugnay ito sa mapagkaibigang atityud ng administrasyong Duterte sa Tsina.

Isa lamang ordinaryong mamamayang Tsino si Zhang at wala itong kinalaman sa mga polisiya at ugnayan ng mga pamahalaang Pilipino at Tsino: higit sa lahat, wala itong kinalaman sa isyung pandagat na kasalukuyang kinakaharap at inaayos ng Pilipinas at Tsina sa mapagkaibigan at diplomatikong paraan.

Ang insidenteng ito ay isa lamang isolated na kaso at hindi remerepresenta sa kaugalian, kultura at atityud ng mga Tsino.

Maniwala po kayo sa sinasabi ko: hindi po ganyan ang atityud ng nakararaming mga Tsino.

Siyam na taon na akong nagtatrabaho sa Tsina, at 8 taon nang kasal at masayang namumuhay kasama ang isang Tsinong tubong hilagang silangan.

Ang gawing hilagang Tsina ang kanlungan at pinanggalingan ng Nasyong Tsino, mahigit 5,000 taon na ang nakakaraan at rumerepresenta sa tunay at napakagandang kultura ng bansa.

Ang nakita nating pangyayari ay hindi kailanman ugali o kagawian ng mga Tsino.

Pero, uulitin ko, kahit ano pa man ang dahilan niya, masama ang kanyang mood, o hindi maganda ang kanyang araw na tulad ng sinabi niya sa telebisyon, hindi dapat ginawa ni Zhang ang pagsaboy ng taho sa isang pulis na tumutupad lamang sa kanyang tungkulin.

Ikatlo, ang Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas ay may bukas na atityud sa pangyayaring ito, tulad ng sinabi ni Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, kailangan sundin ng lahat ng mga Tsinong nasa Pilipinas ang mga batas at tuntunin ng bansa, at hindi sila dapat gumawa ng anumang iligal na aktibidad.

Kailangan din aniyang harapin ni Zhang ang mga asunto bilang resulta ng kanyang ginawa.

At ikaapat, ang insidenteng ito ay isa lamang isolated na kasong kinasasangkutan ng isang batang babaeng Tsino, na wala sa tamang mood noong araw na iyon, at walang anumang kinalaman sa ugnayang Pilipino-Sino.

Higit sa lahat, wala itong kinalaman sa mga kooperasyon sa pagitan ng pamahalaang Pilipino at Tsino!

Ang Yuan Xiao Jie ay tinatawag ding Pestibal ng Parol.

Ayon sa Lunar na Kalendaryong Tsino, ang araw ng Pestibal ng Parol ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 araw ng kauna-unahang buwan ng bagong taon.

Ipinalalagay ng mga Tsino na sa araw na ito, lalabas ang bilog na buwan, at ito'y suwerte sa tradisyong Tsino.

Bilog na buwan

Kaya, ang kauna-unahang paglabas ng bilog na buwan ay ipinagdiriwang bilang pestibal sa Tsina.

Ito ang pinagmulan ng tradisyon ng Pestibal ng Parol.

Maraming kawili-wiling folk custom na may-kaugnayan sa Pestibal ng Parol.

Pero di-tulad ng Pestibal ng Gitnang Tagsibol, sa halip na mooncake, ang mga tao ay kumakain ng palitaw o yuan xiao.

Sa wikang Tsino, ang palitaw ay tinatawag na "yuan xiao 元宵"o "tang yuan 汤圆," kaya ang Pestibal ng Parol ay tinatawag ding "Yuan Xiao Jie元宵节."

Tulad ng mooncake, hugis bilog ang yuan xiao.

Ang full moon at bilog na yuan xiao ay sumasagisag sa pagsasama-sama ng buong pamilya.

Ang isa pang mahalagang kagawian tuwing Pestibal ng Parol, ay, siyempre, "paggawa at pagsasabit ng mga parol."

Mula sinaunang panahon hanggang ngayon, idinaraos ang maraming eksbisyon ng parol na may iba't ibang uri ng kulay, pigura, at kuwento.

Sa Tsina, may mahalagang katuturan ang Pestibal ng Parol.

Ito ang pagtatapos ng Spring Festival Holidays, at ang opisyal na pagisimula ng trabaho ng bagong taon.

Ang Spring Festival ay napakahalagang pagkakataon para sa pagtitipun-tipon ng lahat ng miyembro ng pamilya, at pagkatapos ng Pestibal ng Parol, maghihiwalay muli ang mga Tsino para bumalik sa kanilang mga trabaho.

Dahil dito, ang gabi ng pagtanaw sa bilog na buwan, pagkain ng palitaw at pagsasabit ng mga parol ay napakahalaga para sa mga Tsino, at ito ay nag-i-iwan ng magagandang ala-ala.

Ang parol o Deng Long (灯笼) ay ang tradisyonal na kagamitang pang-ilaw ng Tsina, na kumakatawan sa kahalagahan at kaligayahan.

Deng Long

Ang tradisyonal na Deng Long ay nababalutan ng manipis na papel at may nakasinding kandila sa loob.

Tumatagos ang sinag ng kandila mula sa manipis na papel.

May ibat-ibang disenyo ang Deng Long.

Ang mga Deng Long ay pinipintahan ng magaganda at masusuwerteng kulay ng mga Tsino.

Iniilawan ng mga Deng Long ang gabi ng mga pestibal.

Lumalaganap ang kahalagahan at kaligayahan sa ibat-ibang pamilya sa pamamagitan ng mga Deng Long.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>