Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga beteranong mediaman ng Pilipinas, nagbigay ng personal na pananaw hinggil sa Tsina

(GMT+08:00) 2019-02-28 15:51:58       CRI

Ang pagtungo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina noong 2016 ay ang naging mitsa ng pagbalik sa tamang landas ng relasyon ng Tsina at Pilipinas.

Dahil sa nasabing pagbisita, maraming pakinabang ang ngayon ay tinatamasa at nakakamtan ng dalawang bansa, lalo na sa mga larangan ng pamumuhunan, turismo, paglaban sa terorismo, paglaban sa korupsyon, pagtutulungang sa dagat, imprastruktura, pagnenegosyo at marami pang iba.

Hindi po lingid sa kaalaman ninyo na kasalukuyang lumalawak ang presensya ng Tsina at kulturang Tsino sa lipunang Pilipino dahil gusto po ng pamahalaang Tsino at ni Pangulong Xi Jinping na muling makilala ng mga Pilipino ang Tsina ng modernong panahon.

Gusto po ng pamahalaang Tsino na ipakilala ang tunay na Tsina sa mga Pilipino, at gusto po ng Tsina na makipagkaibigan sa mga Pilipino, hindi para manakop at magkontrol, kundi para maging kaibigan, kasama, at katuwang sa pag-unlad, sa pamamagitan ng maraming proyekto at programang gaya ng Belt and Road Initiative, Community with a Shared Future for Mankind, at maraming marami pang iba.

Sa pamamagitan ng mga ito, nais ng mga pamahalaang Pilipino at Tsino na burahin ang kahirapan, sirain ang kontrol ng mga tinatawag ni Pangulong Duterte na elitista at iluminati, at magkakasama tayong umunlad at umasenso sa ilalim ng bandila ng kapayapaan, pagkakapit-bisig at kaunlaran.

Sa kasamaang palad, noong mga nakaraang administrasyon, hindi maganda ang ipinintang pigura ng Tsina sa isipan ng mga Pilipino, dahil na rin sa bahid pulitika at pagkontrol ng mga dayuhang puwersa, personalidad at mga grupong may personal na interes sa yaman ng Pilipinas.

Ngunit, sa pagkakataong ito, dahil mayroon nang tunay na pinuno at pamahalaang nagmamahal sa pag-unlad at kapayapaan ang Pilipinas, kapansin-pansin ang idipendiyenteng pamamaraang ginagawa ng pamahalaang Pilipino sa maraming larangan; pero ang bagay na ito ang siya ring nagpapa-alma at naglalagay ng matinding takot sa maraming mayayaman o mga cabal o illuminati, dahil malaking maaapektuhan ang kanilang mga kagawian, masisira ang pinagkukunan nila ng pera, at mawawala ang kontrol nila sa isipan ng mga Pilipino.

Kaya naman, araw araw na makikita ang mga puwersang ito sa kanilang mga kontrolado at bayarang tradisyonal na media na sinisira ang reputasyon ng pamahalaang Pilipino, binabahiran ng pulitika ang pagkakaibigan na inaalok ng Tsina, at sinisiraan ang kahit na anong magandang gawin ng pamhalaang Pilipino. Nagpupunta pa nga ang mga ito sa kanilang mga kaalyadong tao sa mga internasyonal na organisasyon upang humingi ng ayuda, sa pag-asang magkakaroon sila ng bentahe sa kanilang paglaban kay Pangulong Duterte.

Halatang-halata na desperado na sila, dahil alam nilang hindi na kailanman nila makokontrol ang Pilipinas at mga Pilipino.

Ang pamamaraang ito ni Pangulong Duterte ang magbubukas sa isipan ng mga Pilipino kung ano talaga ang mga nangyayari sa mundo at wawasak sa mga kasinungalingang inihasik sa ating mga isipan ng elitista, cabal at illuminati, sa pamamagitan ng kanilang mga bayarang tradisyonal na media, at iba pang kaalyadong politiko, opisyal sundalo at pulis.

Sa tingin ko, panahon na para magising tayo sa katotohanan, at katuwang ng Pilipinas ang Tsina, at iba pang bansang nagmamahal sa katotohanan, kapayapaan at kaunlaran sa layuning ito.

Para naman lalo pang makilala ng mga Pilipino ang tunay na Tsina sa modernong panahon, inimbitahan kamakailan ng pamahalaang Tsino ang ilan sa mga mapagkakatiwalaan at beteranong mamamahayag at kolumnistang Pilipino, at timogsilangang Asyano upang magpasyal sa Tsina, tingnan ang tunay na Tsina, at damhin ang kalayaan, pag-unlad at naisin ng pamahalaang Tsino. Higit sa lahat pakiramdaman at silipin kung tunay nga ba ang inaalok na pakikipagkaibigan ng pamahalaang Tsino sa Pilipinas at iba pang bansa sa Timogsilang Asya.

Kamakailan ay nagtungo po ang inyong lingkod sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing upang kapanayamin ang dalawang beteranong mamamayahag na Pilipinong sina Michael Alunan ng Business Mirror at Diego Cagahastian ng Malaya. Pakinggan po natin ang kanilang mga tinig.

Michael Alunan

Diego Cagahastian

 

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>