![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa loob ng libu-libong taon ng pagkakatatag ng sinaunang "Silk Road," nagkaroon ng matibay na koneksyon at pagsasamahan ang ating mga ninuno mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo, kahit magkakaiba ang kanilang kultura, mukha pananamit at kagawian.
Ngunit, dahil wala pang kamera sa mga panahong iyon, maraming magagandang okasyon at pangyayari ang hindi nailarawan at nakaligtaan ng mga sumunod na henerasyon sa paglipas ng kasaysayan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mga modernong kamera o mobile phone, na maaaring gamitin upang kumuha ng magagandang tanawing bumibighani sa inyong paningin.
Kaya, inaanyayahan namin kayong makilahok sa patimpalak ng mga larawan at caption, hinggil sa makulay at mapagkaibigang kasaysayan ng sangkatauhan sa ika-21 siglo, sa ilalim ng tema ng "Belt and Road."
一、Panahon ng Pagsusumite
Pebrero 28 — Maso 28, 2019
二、Tema ng Aktibidad
"Belt and Road" mula sa Iyong Kamera
三、Mga kaukulang paliwanag at kahilingan
1、Ang mga larawan ay dapat orihinal ninyong, gamit ang inyong kamera o mobile phone.
2、Puwedeng isa o grupo ng mga larawan ang inyong isusumite. Maaari ring de-kolor o black-white ang mga ito. Ang isang grupo ng mga larawan ay dapat binubuo ng tatlo (3) hanggang sampung (10) litrato. Kailangan ding nasa pormat ng JPEG ang mga digital na kopya ng mga larawang inyong isusumite.
3、LAHAT, (walang limitasyon sa nasyonalidad) ay maaaring lumahok sa patimpalak na ito.
Sa inyong pagsusumite, pakilakip lamang ang inyong tunay na pangalan, nasyonalidad, paraan ng pagkontak, at lugar na pinagkuhanan ng (mga) litrato. Bukod dito, ilagay din ang pamagat at sumulat ng maikling salaysay tungkol sa inyong larawan.
四、Porma ng Pagsumite ng Akda
Pumili ng isa sa dalawang opsyon:
Isumite sa pamamagitan email: withyou2019@qq.com
I-post sa Facebook Page na @CRI Filipino Service
五、Paraan ng Pagpili
Alinsunod sa prinsipyo ng bukas, makatarungan, at pantay na pamamaraan, isasagawa ang pagpili sa mga mananalo sa pamamagitan ng diskusyon ng mga eksperto at online na pagboto.
六、Tungkol sa Gantimpala
1、May sampung top prize. Ang mga mananalo ay gagawaran ng sertipiko at iimbitahan sa awarding ceremony sa Tsina.
2、May isang daang prize for excellence. Ang mga mananalo ay gagantipalaan ng sertipiko at bibigyan ng mga regalong gaya ng produktong kultural mula Palace Museum (Forbidden City), at iba pa.
3、Gantimpala para sa mga kuwentong kalakip ng magagandang litrato. Ang mga mananalo ay gagawaran ng mabuting gantimpala, gaya ng mga produktong kultural mula Palace Museum (Forbidden City)
七、Tuntunin ng Patimpalak
1、Hindi na ibabalik sa inyo ang mga akdang isinumite. Makaraang isumite ang mga akda, ang tagapagtaguyod ay may karapatang walang-pasubaling gamitin ang mga ito o bigyang-awtorisasyon ang ikatlong panig upang gamitin ang mga ito. May karapatan din ang tagapagtaguyod na gamitin ang mga akda sa eksbisyon, publisidad, at iba pang porma.
2、Sa paunang kondisyong di-maaaring baguhin ang orihinal na mukha, may karapatan ang tagapagtaguyod na angkop na i-photoshop ang mga akda. Ngunit, hindi puwedeng isagawa ng tagapagtaguyod ang anumang kilos o pagbabago sa orihinal na litrato na posibleng makakaapekto sa katotohanan o katumpakan ng mga ito.
3、Sakaling matuklasang ang mga akdang isinumite ay peke o kinuha lamang sa iba, kakanselahin ang kuwalipikasyon ng kalahok.
4、Ilalagay ang mga mananalong larawan sa photo album ng "Belt and Road," at ididispley sa multi-language platform ng CRI Online.
5、Ang tagapagtaguyod ay hindi mangongolekta ng anumang bayad mula sa mga kalahok.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |