|
||||||||
|
||
20190321TradeAttache.mp3
|
Bandila ng Pilipinas at Tsina
Noong nakaraang episode, tinalakay natin ang isang magandang balita hinggil sa relasyong pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, na magdadala ng maraming pag-unlad at trabaho para sa nakararami nating kababayan.
Sa ating eksklusibong panayam kay Glenn Penaranda, Trade Attache ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang, noong 2018, ang Tsina ang siya nang naging pangunahing pinanggagalingan ng Aprubadong Dayuhang Puhunan ng Pilipinas.
Aniya pa, ang puhunang ibinuhos ng Tsina sa Pilipinas sa nasabing taon ay nagkakahalaga ng Php50.69 bilyon (US$975 milyon).
Winewelkam aniya ng Pilipinas ang nasabing pag-unlad dahil lilikha ito ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Paliwanag ni Penaranda, dahil sa magandang tunguhin ng ekonomiya ng Tsina at episyenteng mga polisiya, patuloy na tumataas ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa mga kapitbansa, lumalakas ang pangangailangan upang maglagak ng puhunan sa labas, at nagbubukas ang ekonomiya ng Tsina sa mga puhunang dayuhan.
Dahil dito, ang pagluluwas aniya ng Pilipinas sa mainland Tsina at Hongkong noong 2017, ay umabot sa US$15.54 bilyon, at ito'y mas mataas ng 17.84% kumpara sa tinalikdang taon.
Samantala, ang pag-aangkat naman ng Pilipinas mula sa mainland Tsina at Hongkong sa parehong taon ay nagkakahalaga ng US$18.06 bilyon.
Dahil dito, napababa ang trade deficit ng dalawang bansa sa mga US$2.5 bilyon na lamang.
Dagdag pa ni Penaranda, noong 2018, ang pagluluwas ng Pilipinas sa mainland Tsina at Hongkong ay nagkakahalaga ng US$18.3 bilyon, at ito'y mas malaki ng 7.1% kumpara sa tinalikdang taon.
Ang nasabing datos ay katumbas ng 27% ng lahat ng pagluluwas ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Sinabi niyang, dahil sa patuloy na paglaki ng pag-aangkat ng Tsina mula sa Pilipinas, kinailangan ng Pilipinas na pataasin ang kakayahan nito pagdating sa kapasidad sa produksyon, upang maka-agapay sa pangangailangan, at para rito tumutulong din ang Tsina.
Aniya, para ipasilita ang mga puhunang Tsino sa Pilipinas, pinirmahan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) ng Pilipinas at Ministry of Commerce (MOFCOM) ng Tsina noong Nobyembre 2017 ang Memorandum of Understanding (MOU) Para sa Pagdedebelop ng mga Parkeng Industriyal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |