|
||||||||
|
||
20190328Locsin.mp3
|
Idinaos kamakailan sa Beijing ang pagtatagpo nina Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, at Wang Yi Kagawad ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sina Teodoro Locsin Jr., Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, at Wang Yi Kagawad ng Konseho ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina
Sa preskon matapos ang pagtatagpo, sinabi ni Locsin, na ang mutuwal na respeto at pagkakaibigan nina Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas at Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang naglatag ng pundasyon para sa muling paglakas ng relasyong Pilipino-Sino.
Aniya, ang Pilipinas at Tsina ay matibay na magkaibigan at hindi kailanman, magkaaway.
"Magkasamang nilabanan ng Pilipinas at Tsina ang pagtatangka ng mga dayuhang puwersa ng nakaraang siglo na gamitin ang proksimidad ng dalawang bansa laban sa isa't-isa, sa halip na para sa benepisyo," ani Locsin.
Dagdag niya, naging produktibo ang pag-uusap nila ni Wang Yi, Ministrong Panlabas at Kagawad ng Konseho ng Estado ng Tsina.
Ito aniya ay nakahanay sa ninanais na pagresolba ng pagkakaiba, sa pamamaraang nagbibigay ng karangalan sa magkabilang bansa.
Ipinahayag din ni Locsin kay Wang ang pagtiyak, na pangangalagaan ng pamahalaang Pilipino ang mga Tsinong nasa Pilipinas, tulad din ng pangangalaga ng Tsina sa mga Pilipinong nasa Tsina.
Patuloy aniyang nakikita ng Pilipinas ang mga bentahe ng ugnayang Pilipino-Sino sa maraming larangan, pero, kinikilala rin nito na marami pang kailangang pagpunyagian, para mabawasan ang mga balakid sa pamamagitan ng pagtrato sa mga ito bilang mga bagay na may kakaunting saysay; at pagtaas sa lebel at pagpapalawak ng sakop ng produktibong pagpapalagayan ng dalawang bansa.
Marami aniyang larangan kung saan may pagkakasundo ang Pilipinas at Tsina kumpara sa di-pagkakaunawaan, kaya naman napakalaki ng potensyal ng pag-unlad ng ugnayang Pilipino-Sino.
Ipinagdiinan din ni Locsin na walang ibang bansa sa mundo, maliban sa Tsina, na nagnanais umunlad, hindi sa pamamagitan ng pagyapak sa iba, kundi sa pamamagitan ng pagtulong upang umunlad din ang iba.
"Kung wala ang Tsina, wala ring prospek para sa mga umuunlad na bansa na sumulong bilang umuusbong na ekonomiya," saad ng Kalihim na Pilipino.
"Ang pag-usbong ng Tsina ay lumilikha ng mundo kung saan ang mahihina ay nagkakaroon ng pag-asa at pagkakataong makipagkooperasyon para sa mutuwal na kapakinabangan," ani Locsin.
Pinuri rin ni Locsin ang mga pag-unlad na natamo ng Tsina sa pamamagitan ng mabuting pamamahala ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Aniya, ang CPC ang nasa ulohan, at lakas na nagtutulak sa pag-unlad ng Tsina.
Ang nasabing preskon ay idinaos, matapos magtagpo nina Locsin at Wang, kung saan napag-usapan ang pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina, napipintong pagdalo ni Pangulong Duterte sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, Bilateral Consultation Mechanism (BCM) sa South China Sea, at marami pang iba.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |