|
||||||||
|
||
190412taposptntn.mp3
|
Si Sheng Ruxi ay isang 30 taong gulang na office worker. May marami siyang tags. Ang ilang tags ay mabait, maganda, matalino, funny, mataas ang suweldo, at iba pa. Pero may isa pang tag na demeaning halimbawa: leftover lady.
Si Ruxi
Kahit na ipinalalagay ni Sheng na masaya ang kanyang buhay, pagkatapos na ipagdiwang ang ika 30 taong kaarawan, ang pinakamadalas na tanong mula sa mga kaibigan ay "Bakit hindi ka pa nag-aasawa? " Ang kawalang boyfriend ay tila naging isang malaking problema para sa kanya. Siyempre, naging napaka-anxious ng kanyang magulang. Kaya naging abalang-abala ang nanay ni Sheng, na nag-arrange ng "blind dates" para sa kanyang anak na babae.
Unang-una, for politeness, pumunta si Ruxi sa mga blind dates. Tapos, unti-unting naging bored siya sa mga "forced" blind dates. Sa bandang huli, pagkatapos ng isa pang blind date na ini-arrange ng nanay, nakilala niya ang isang gentleman: tall, guwapo, polite, doctor, pero tinanggihan ni Ruxi si "Docter Bai". Tapos, nag-away si Ruxi at kanyang nanay. Galit ang nanay at sinabing "Lahat tayo ay tiyak na tatanda at magkakasakit. Kung mamatay ako at tatay mo, ikaw ay magiging single at lonely. Sino ang mag-aalaga sa inyo?"
Umiyak si Ruxi. Sa katotohanan, lubos na alam niya ang puso ng kanyang nanay. They are worried about her. Pero, alam rin niyang hindi lubos na nauunwaan ng nanay ang damdamin ni Ruxi. Halimbawa, ang that blind date na si Doctor Bai, mabuti siya, pero, ayaw ni Ruxi na mahanap ang isang "marriage partner" lang, gusto niya may "pagmamahal" : tunay na pagmamahal nagpapakilig at nagpapatibok sa puso gaya ng nararamdaman niya kay Masai, bagong asistente ni Ruxi sa opisina. Bagong pasok lang si Masai at isang buwan nang nagtatrabaho. 20 taong gulang lang, optimistiko at nakakatawa, masigla, masipag at matalino. Bagong graduate at unang trabaho ito para sa kanya.
Si Masai
Pagkatapos ng 30 taon na paghihintay, finally nakita ni Ruxi ang kanyang Mr Right. Pero hindi nagtagal ang happy days. Naghahanda na sana si Ruxi na ipagtapat ang tugkol kay Masai sa pamilya, tyempo namang inatake sa puso ang nanay niya.
Hindi nag-uusap ang nanay at si Ruxi sapul nang nag-away sila dahil kay Doctor Bai. Agarang pumunta sa ospital si Ruxi. Ligtas sa panganib ayon sa doctor ang nanay. Kasabay nito, isang masamang balita naman ang tinanggap niya at sinabing lumalala ang Alzheimer's disease ng ina.
Habang lumuluha, si Ruxi sinabi ng may-sakit na nanay ang kanyang pinakamalaking pag-asa: gusto niyang makita ang wedding ng kanyang daughter, para sa ikapapanatag ng kalooban nito. Ipinangako ni Ruxi sa kanyang nanay, na idaraos ang wedding as soon as possible.
Pero, ang "groom-to-be" ay hindi si Masai.
Kung hindi papansinin ang agwat nila, ibig sabihin, age, posisyon at salary, sina Ruxi at Masai ay "soul mates" talaga. Pero, pinaguusapan ngayon ang kasal. Kailangan ng nanay ang isang matured and stable sa buhay na lalaki. Si Masai ay nagsisimula pa lang na tumayo sa sariling paa.
Bukod dito, ayaw din ni Masai na maagang magpakasal. Pero para kay Ruxi, dapat magpakasal siya as soon as possible.
Dahil dito nag break sina Ruxi at Masai, at alinsunod ngkagustuhan ng nanay, pinili niya si Doctor Bai. Sinimulan nina Ruxi at Doctor Bain ang paghahanda para sa kanilang wedding.
Naging masaya si Doctor Bai, dahil simula pa lang gusto na niya si Ruxi. Naging masaya rin ang nanay, perfect son in law. Pero, bilang bride to be, hindi masaya si Ruxi. Alam niya na sa puso niya, ang tao na mahal niyang talaga ay si Masai. Hindi inaasahan ni Ruxi na nakita ng isang tao ang lihim sa kanyang puso: alam ito ng tatay niya.
Sa karaniwan, ang tatay ay isang tahimik na tao. Pero, mayroong siyang sensitibong puso na nagmamahal sa kanyang daughter. Sa likod ng tawa, nakita niya na hindi totoong masaya si ngRuxi. Alam niya na ang lahat ng ito ay para lamang matupad ang hiling ng may sakit na nanay.
Sa halip na kausapin si Ruxi, kinausap ng tatay si Doctor Bai.
Tulad ng "spokesman" ng daughter, ang tatay ang nagpaalam kay Doctor Bai ng totoong damdamin sa puso ni Ruxi. Kasabay nito, sinabi niyang bilang isang tatay, nagaalala siya tungkol sa kanyang anak, gusto niyang igalang ang nararamdaman ni Ruxi, dahil sa ganitong paraan, maaaring makuha ng isang tao ang totoong kaligayahan.
Bilang isang tatay, sa oras na ito, siya ay naging malakas na taga-suporta ni Ruxi. He talked with Doctor Bai politely at kinansela ang wedding, at isinabalikat ang gawain ng pagaalaga sa asawa. Sinabi niya kay Ruxi na: "Ang pagpapakasal ay napakalaking desisyon na may kinalaman sa kaligayahan mo buong buhay. Kaya, gusto kong magpakasal ka sa tao na minamahal mo. Don't get married because of the wishes of another, do it because you want it yourself. Dahil ito ay buhay mo."
Ginawa ni Ruxi ang tama at sinunod ang payo ng tatay. Sa ending ng kuwentong ito, hindi nagpakasal si Ruxi. Pero, hinanap niya si Masai, ang taong talagang mahal niya. Ang "pagpapakasal" ay hindi problema para kay Ruxi, kasi alam niya na ang essence ng buhay ay hindi lang tungkol sa marriage, kasama rito ang pagpapanatili ng kakayahan ng paghahanap ng kaligayahan at sariling kagustuhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |