|
||||||||
|
||
tapostimog.mp3
|
Ngayong dumating na sa Beijing ang tagsibol, makikitang namumukadkad ang makukulay na bulaklak, at napakagandang tanawin ang masisilayan sa lahat ng dako.
Kaya, sa ating episode ngayong gabi, mapapakinggan natin ang ilang masayang awitin.
May maraming uri ng mga folk songs sa iba't ibang lugar ng bansa. Sa ating mga nakaraang episode, ibinahagi namin sa inyo ang mga folk songs ng Tsina. Pero, nagyong gabi, folk tune, o folk minor tune naman ang aming ipaparinig.
Ang mga folk tune, o folk minor tune ay hindi pormal na mahabang awitin, pero may nakakarelaks na tono.
Ang nilalaman ng mga ito ay pokus sa normal na pamumuhay ng ordinaryong mamamayan, o pagpupuri sa magandang natural na tanawin.
Siyempre, ang tono maliwanag at masaya. Dahil dito, ang mga folk tune ay mas popular sa mga mamamayan.
Mula matatanda hanggang sa mga bata, alam ng karamihan ang pag-awit ng folk tune ng kanilang hometown.
Ang awitin na mapapakinggan natin ay may pamagat na "Tagsibol sa WestLake."
Ito ang folk tune sa lugar ng Hangzhou at ang wikang ito, ay hindi Pu Tong Hua o Mandarin: ginamit dito ang lokal na dialekto ng nasabing lugar.
Ang susunod na folk tune ay pinamagatang "Missing You in 4 Seasons."
Sa pamamagitan ng paglalarawan ng pagbabago ng tanawin sa 4 na seasons, ipinapahayag nito ang pangungulila ng mga mag-irog.
Ang ikatlong folk tune ay "Magandang Tanawin sa Gusu." Ang "Gusu" ay lumang pangalan ng lunsod Suzhou. Ang kanta ay nagpupuri sa magandang natural na tanawin ng Gusu, o Suzhou.
Ang tema ng susunod na kanta ay tungkol pa rin sa naturang awitin, at ang pamagat nito ay "Lumalakad sa Gusu."
Bukod sa paglalarawan ng tanawin, ipinapahayag din nito ang masayang mood ng mga mamamayan sa paglalakbay nila sa Gusu.
Ang last song na ibabahagi namin today, ay nagpupuri pa rin sa magandang tanawin, "Ang Kagandahan ng Taihu Lake."
Ang Taihu Lake ay isang lawang nasa lalawigang Jiangsu ng Tsina, at hindi malayo sa Suzhou. Napakalaki ang Taihu Lake, at ang buong saklaw nito ay umabot sa 242.78 kuwadrado kilometro at may mahigit 50 isla.
Masagana ang produksyon ng Taihu Lake, tulad ng isda, alimango, hipon, perlas, at iba pa.
Mula sa mga ito ang ikinabubuhay ng mga mamamayan lokal, kaya malalim ang damdamin ng mga mamamayan sa Taihu Lake.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |