|
||||||||
|
||
190413maartetapos.mp3
|
Mga kaibigan, noong nakaraang linggo, ibinahagi namin ang mga folk tune mula sa dakong timog ng Tsina. Ngayong gabi, pakikinggan naman natin ang mga folk tune mula sa dakong hilaga ng Tsina.
Magkaiba ang estilo ng mga folk tune sa dakong hilaga at timog. Kumpara sa malumanay na folk tune sa timog, ang mga folk tune sa hilaga ay mas mas masigla, at mas malinaw.
Ang susunod na awitin ay "Wu Long Peng Sheng," ito ay isang salita na pinagmulan ng Taoism ng Tsina, at sinasabi ng kantang ito sa mga mamamayan na "maging mabuting tao at gumawa ng mabuti sa kapuwa."
Ang porma ng kantang ito ay "Taiping Lyrics," ito'y naging popular, pangunahin na, sa Beijing, Tianjin, at ibang lugar ng lalawigang Hebei.
Ito ay sa sa mga pundamental na kakayahan ng "Xiang Sheng" o Cross Talk sa dakong hilaga.
Ang susunod na Taiping Lyrics song na ibabahagi namin sa inyo, ay "Paghahanap sa Ilog Qingshui." Kumpara sa unang kanta, ito ay mas tender, dahil nagkukuwento ito ng isang love story.
Ang tema ng mga folk tune ay hindi lumilisan sa karaniwang pamumuhay ng mga mamamayan. Ang susunod na kanta ay naglarawan ng masayang tagpo sa isang laro na hilig ng mga mamamayan sa tagsibol, "Kite Flying."
Bukod sa normal na pamumuhay, ang mga festival ay isa sa mga tema ng folk tune. Narito ang "Pag-enjoy ng mga Parol," na naglalarawan sa maligayang tagpo ng pag-e-enjoy ng mga mamamayan sa mga kahanga-kanga at makukulay na parol tuwing Pestibal ng Parol.
Ang last song sa gabing ito, ay isang kantang tungkol sa lubos na pagmamahal sa buhay, na pinamagatang 4 Seasons.Sa dakong hilaga ng Tsina, mayroong 4 na panahon. Bawat panahon ay mayroong katangi-tanging magandang tanawin.
Para sa mga mamamayan, mayroong bawat panahon ay may katangian, tulad ng pagtatrabaho sa bukid, paglalaro, pagrerelaks, at maraming iba pa.
Ang kantang "4 Seasons" ay naglalarawan sa Gawain, paglilbang, at tanawin, sa pagpapalit ng 4 na panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |