|
||||||||
|
||
Mga giliw na tagapakinig, welkam sa Maarte Ako, ako si Lele, ang iyong host. Sa episode na ito, isasalaysay ko ang mga klasikong kanta ng Tsina. Ang narinig ninyo ay Piano Concierto na "Yellow River" o "Ilog Huanghe " na tinutog ni Langlang, Pianist ng Tsina. Ang piano concierto na ito ay ini-adapt ng mga Chinese musician mula sa Chorus of Yellow River. Ang taong ito ay ika-80 anibersaryo ng pagsilang ng chorus. Isinilang ang chorus noong 1939 sa panahon ng World War II, at ito ay nagpapakita ng diwa ng mga Tsino laban sa mga mananalakay na Hapones.
Ang Ilog Huanghe o Yellow River ay kinikilala bilang Inang Ilog Ina ng Tsina. Mayroon itong mala-dilaw na tubig, kaya tinatawag bilang Yellow River. Ang mayamang putik na inaagos ng Huang He ang bumuo sa mga sakahan, lugar-kapanganakan ng kulturang Tsino. Ang mga pinaka-naunang karakter ng wikang Tsino, tulad ng mga karakter sa barangay, lunsod, at bronse ay mula rito. Kaya, ito rin ay simbolo ng sibilisasyong Tsino.
Noong 1939, sa panahon ng World Anti-Fascist War, ang digmaan ng mga Tsino laban sa mga mananalakay ng Hapon ay nasa pinakamahirap na yugto. Sa panahong iyan, nilikha ni Sinn Sing Hoi, isang Chinese musician na may edad 34 nang taong iyon, ang Chorus of Yellow River. Sa pagdaraos ng unang pagtatanghal sa Yan'an, pinasigla nito ang pagkahilig ng bayan sa pagpapatuloy ng pakikibaka laban sa mga mananalakay.
Si Lang Lang ay isinilang noong 1982, at nagpakasal siya kamakailan. Ang kanyang asawa ay isa ring pianist na may edad 24. Siya ay mestisong Aleman at Koreano. Binabati natin sila sa kanilang pag-i-isang dibdib.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |