|
||||||||
|
||
Ang rutang kanilang ginamit ay tinatawag na Daang Sutla, at ito ang pinakamahalagang daan ng kalakalan sa pagitan ng silangan at kanluran.
Ang narinig ninyo ay musikang nilikha ni Cheng Chi, isang Chinese composer. Ang awit ay nakapaloob sa album na tinatawag na "Silk Road 2016," at ang mga musika ay ginamit bilang background music ng documentary "New Silk Road." Pakinggan natin ang isa pang awit sa album na ito.
Bilang isang daan ng kalakalan sa sinaunang panahon, maraming mga paninda ang dumaraan dito, tulad ng tsaa, porselana, kabayo, at pabango. Ang mga ito ay ina-angkat at iniluluwas sa pagitan ng iba't ibang bansa mula sa silangan hanggang kanluran.
Ang Daang Sutla ay isa ring tsanel ng pagpapalitan ng tao at kultura, ito ay may mahalagang katuturang pangkasaysayan sa pagkakasama at pag-unlad ng sinaunang sibilisasyon ng mga bansang kinabibilangan ng Tsina, Indya, Ehipto, Persia, Arabia, at Rome. At sa ilang digri, ang pagpapalitang ito sa Daang Sutla ay naging pundasyon para sa pagbuo ng makabagong mundo.
Ang Daang Sutla ay ginagawa ring tema ng iba't ibang musician, hindi lamang mga Tsino, kundi ng mga mula sa iba pang bansa. Sa mga ito ang pinakakilala ay iyong mula kay Kitaro ng Hapon, pakinggan natin.
Ang narinig ninyo ay electronic composition music na "Silk Road:" maaaring tawagin ito bilang master piece ni Kitaro.
At ngayon, magsasama-sama tayo sa mundo ng orchestra na tinugtog ng mga tradisyonal na instrumento ng Tsina, gaya ng pipa, erhu, gu qin, huagu, dizi, suona at iba pa. Ang maririnig ninyo ay pinamagatan ding "Silk Road," huling outstanding piece mula sa Chinese National Orchestra.
"Silk Road" tinugtog ng Chinese National Orchestra
Ang kantang narinig ninyo ay Chinese Orchestra "Silk Road." Ito ay sinulat ni Jiang Ying, isang batang babaeng musician ng Tsina. Sa tuwing itinatanghal ang musikang ito, mainit itong tiantanggap ng mga tagasubaybay. Ito ay lubos na nagpapakita ng magkasanib na katangian ng musika ng tradisyonal na Tsina at gitnang Asya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |