Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tomorrow is another day

(GMT+08:00) 2019-07-22 16:45:29       CRI

Para sa karamihan ng ordinaryong tao, regular ang takbo ng buhay, kahit na minsan boring ito. Habang bata pa tayo, maliwanag ang kinabukasan sa ating isipan: mag-graduate mula sa unibersidad, tapos, maghanap ng gustong trabaho; tapos, makakita ng mamahalin; magpakasal, at magka-anak. Tapos, magiging malaki ang mga anak at tatanda. Ito ang buhay. Normal na buhay.

Pero, para sa ilang mga tao, hindi ganito ka simple ang buhay.

Sa unang yugto ng buhay, normal ang galaw ng mundo ni Huang Jinhua. Pagka-graduate, nakita niya ang isang mabuting lalaki at nagpakasal sila, tapos, nagkaroon sila ng anak na lalaki, na pinangalanang "Guang". Mula sa oras na ito, nagsimula ang pagbabago ng buhay, at ito ay di-mabuting pagbabago: ang anak na lalaki niya ay natuklasang may kondisyong Autism.

Special child ang anak. Hindi nito maaaring alagaan ang kanyang sarili.

Si Huang Jinhua

Si Guang, anak na may autism

Bilang nanay, naramdaman ni Huang Jinhua ang kanyang kasalanan sa walang muwang na anak. Datapuwa't si Guang, ang anak, ay isang anak na di tiyak ang kinabukasan —— hindi maaaring mag-enjoy ng kasayaaan ng buhay tulad ng ibang tao ——ipinasiya ni Huang Jinhua na buong sikap na ingatan si Guang.

Nagbitiw si Huang sa kanyang trabaho, para alagaan si Guang ng 24 oras. Si Yuanshan, ang asawa at tatay ni Guang, ay naging tanging pinagmumulan ng kabuhayan ng pamilyang ito. Naging mas abala si Yuanshan, siyempre, naging mas pagod at naging mas malaki ang presyur sa kaniya.

20 taong na ang lumipas, malaki na si Guang, pero ang IQ niya ay nanatili sa 4 na taong gulang. Ang kahirapan at kalungkutan, at araw na araw na mabigat na pasan ay nag-iwan ng negatibong marka sa bawat tao ng pamilyang ito. Naging mas maili ang temper ng nanay, at naging mas malaki ang presyur ng tatay, sa bandang huli, nangaliwa pa ito.

Si Yuanshan ay isang driving instructor at mayroong siyang relasyon sa kaniyang estudyante. Batang kabit.

Si Yuanshan at kanyang mistress

Datapuwa't mayroong isang lihim na lover, noong oras na iyon, hindi pa rin iniwan ni Yuanshan ang kanyang pamilya. Pero, ang mistress ay na in-love with her, gusto niyang magiging opisyal na asawa ni Yuanshan, kaya ipinadala nito ang mensahe kay Mrs Huang, ang mensaheng ito ay larawan ng kanyang sarili at ni Yuanshan.

Tulad ng bawat babae nanahuli ang asawang may kabit nagwala si Mrs Huang nang matanggap ang mensahe ng mistress. Pagkatapos ng malaking away, iniwan ni Mr Huang ang pamilya at nag-file ng divorce.

Sina Huang Jinhua at Yuanshan

Si Mrs Huang ngayong ay nakatira sa maliit na apartment, nag-iisa kasama ang autistic na anak. Habang nakatingin sa anak, ramdam ni Mrs Huang ang malalim kawalan ng makakapitan at malaking galit sa kabit ng kanyang asawa.

Gusto niyang maghiganti.

Nahanap niya ang tirahan ng mistress. Bumili siya ng isang telescope para mag-observe ng buhay ng mistress at nag-record ng kanyang schedule. Pumasok siya sa building na tinirahan ng mistress at alam ang posisyon ng bawat camera sa elevator.

Habang ginagawa ni Mrs Huang ang pagmamanman, si Guang, ay lagi niyang kasama, at tahimik na pinanood ang lahat ng ginagawa ng kanyang nanay.

Sa bandang huli, pumunta sa palengke si Mrs Huang, siyempre kasama ni Guang —— dahil walang mag-aalaga sa kanya ngayon dahil iniwan na sila ng tatay ngayon, Sa market, bumili si Mrs Huang ng isang malaking kutsilyo.

Sa katotohanan, sa kanyang imahinasyon, pinatay niya ang mistress ng mahigit 1 libong beses, gamit ang kutsilyog ito. Di nagtagal, itinakda ni Mrs Huang ang petsa ng kanyang maitim na balak.

Sa araw na ito, bumili siya ng mga snacks at toys na hilig ng anak, nagluto ng masarap na pagkain, tapos, nang matulog ang anak, umalis ng bahay, papunta sa apartment ng mistress, bitbit ang kutsilyo sa loob ng kanyang bag.

Pero, bago kumatok si Mrs Huang narinig niya ang pag-iyak.

Ito mula kay Guang. Sinundan niya ang kanyang ina. Nakita ang lahat ng gawi ng ina, kahit hindi kayang magsalita ng buo, umiling ito ng paulit-ulit.

Agarang naintindihan ni Mrs Huang ang anak. Gusto niyang pigilan ang kanyang nanay. Ayaw niyang mawala ang nanay. Nawala na sa piling nila ang tatay, at ang nanay ang tanging kapamilya niya sa buong daigdig.

Humagulgol na Mrs Huang at mahigpit na yinakap ang anak.

Siyempre, tuluyan nang bumitiw si Mrs Huang sa planong paghihinganti. Ang ginawa ng anak ay naka-antig sa kanya. Sa mula't mula pa'y, ipinalalagay niyang ang autistic son niya ay tulad talaga ng bata na hindi alam ang marami sa buhay, kahit na ito ay 20 taong gulang na. Pero, this time, alam niya na sa puso ng anak, mayroon rin pure na pagmamahal sa nanay, at sa buhay. Siguro sa kalooban, matalino siya, malaam siya sa mas maraming bagay at mayroong siyang mas maraming wisdom kumpara sa iba pang tao, pero hindi siyang maaaring magsalita dahil sa kondisyon niya.

Bumalik si Mrs Huang at Guang sa bahay. Nakalimutan ni Mrs Huang ang muhi at galit. Nakahanap siya ng bagong trabaho at kumita ng mas maraming pera, at namuhay na masaya kasama ng kanyang anak.

Sina Huang Jinhua at Guang

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>