Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Espesyal na episode sa Ika-2 CIIE: Reaksyon ng mga Pilipinong eksibitor sa Ika-2 CIIE

(GMT+08:00) 2019-11-29 16:52:35       CRI

Gaya ng pangako natin noong nakaraang linggo, isa na namang behind the scene na kuwento ang ilalahad namin sa inyo tungkol sa katatapos lamang na Ika-2 China International Import Expo (CIIE) sa Shanghai, Tsina. Siyempre, kasama sa ihahain namin sa episode na ito ang mga pakinabang ng ating mga eksibitor at ang mga positibong epekto ng nasabing ekspo sa pagkakaroon ng trabaho ng mga Pilipino, pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, at pag-angat ng relasyong pangkalakalan ng Pilipinas at Tsina.

Mula Nobyembre 5 hanggang 10, 2019, idinaos sa Shanghai, Tsina ang Ika-2 CIIE.

Nagtanghal sa 6-araw na ekspo ang 181 bansa, rehiyon, at organisasyong pandaigdig, kasama ang mahigit 3,800 kompanya.

Bumisita rito ang mahigit 500 libong propesyonal na mamimili mula sa loob at labas ng Tsina.

Ayon kay Sun Chenghai, Pangalawang Puno ng China International Import Expo Bureau, nalagdaan sa kasalukuyang ekspo ang mga kasunduan at kontrata ng intensyon na nagkakahalaga ng mahigit $US71 bilyong dolyares, na mas malaki ng 23% kaysa unang CIIE.

Ipinadala ng Pilipinas sa Ika-2 CIIE ang delegasyong binubuo ng 139 na kinabibilangan ng 32 eksibitor na kompanya.

Samantala, sa pabilyon ng Pilipinas na tinaguriang "Food Philippines Pavilion," bukod sa malulusog at organikong produktong pagkain, tampok din ang mga produktong Halal ng Pilipinas.

Isinulong din ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), ang mga disenyo at modang Pinoy.

Sa ating panayam kay Imelda J. Madarang, Chief Executive Officer ng Fisherfarms, sinabi niyang tuwang-tuwa sila sa pagdaraos ng Ika-2 CIIE dahil malaking tulong ito upang mapasok nila ang merkado ng Tsina.

Aniya, nagsimula silang magluwas ng kanilang mga produkto sa ibat-ibang bansa ng mundo simula noong 2010, pero wala silang iniluluwas sa Tsina, dahil sa panahong iyon, may-kahirapan aniyang pasukin ang merkado ng Tsina, kasi ito'y napakalaki at kakaunti lamang ang kanilang kaalaman sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga mammimiling Tsino.

Imelda J. Madarang (kaliwa) habang kinakapanayam ng Serbisyo Filipino

Imelda J. Madarang

Pero, dahil sa polisiya ng Tsina, na pagbubukas sa labas at pagpapapasok sa bansa ng mas maraming produkto mula sa ibat-ibang nasyon ng mundo, partikular mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, maraming pinto ang nabuksan para sa mga produkto ng Pilipinas upang maipakilala at maibahagi sa mga kaibigang Tsino.

Aniya, nais ipakilala ng Fisherfarms sa mga Tsino ang bangus ng Pilipinas, na natural na pinalaki sa karagatan ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Madarang na ang preparasyon ng mga bangus na ito ay ginawa ng mga Pilipinong manggagawa na may pagmamahal, kaya bukod sa pagiging organiko at malusog, kakaiba ang lasa ng bangus ng Pilipinas, dahil mararamdaman dito ang pagmamahal at kulturang Pinoy.

Maliban pa riyan, isa rin aniya sa mga bentahe ng bangus ng Pilipinas ay ang kakayahan ng mga manggagawang Pinoy na magtanggal ng tinik ng bangus.

Ang mga Pilipino ay may mahabang kasaysayan sa pagkain ng bangus dahil ito ang pambansang isda ng Pilipinas, kaya naman mataas ang kaalaman at kakayahan ng mga Pilipino sa pagtanggal ng tinik ng bangus, kaya, ito'y kaaya-ayang kainin, ani Madarang.

Aniya, ang bangus ay kaloob ng Diyos sa mga Pilipino at may mahigit isandaang katangi-tanging produkto ang nagagawa mula sa bangus na gaya ng bangus sausage, tinapang boneless bangus, bangus patties, bangus nuggets, boneless dinaing na bangus, boneless inasal na bangus at marami pang iba.

Ang mga produktong alok namin sa mga kaibigang Tsino ay para sa lahat ng edad; mapamatanda man o bata. Ang mga ito'y hindi lang masarap kundi, malusog pa, ani Madarang.

Sinabi ni Madarang na, napakarami nang kompanyang Tsino ang nagpahayag ng interes upang mag-angkat ng produktong bangus mula sa Pilipinas.

Malaki aniya ang pakinabang ng Pilipinas sa CIIE dahil nabigyan ng pagkakataon ang mga kompanyang Pilipino na ipakita sa mga Tsino ang mga ipinamamalaking produkto, at pagkakaton din na umakyat sa pandaigdigang entablado ng pagluluwas, at pumantay sa malalaking tagapagluwas ng produkto sa mundo.

Nakadagdag din aniya sa pagkuha ng atensyon ng mga mamimiling Tsino ay ang laki, gara at disenyo ng Ika-2 CIIE.

Basta maganda ang produkto mo, may chance ka, dagdag niya.

Samantala, ayon naman kay Carol Ong, may-ari ng Bebebalm, malaki ang pakinabang na naibibigay ng CIIE at Food Philippines Pavilion sa mga kompanyang Pinoy na tulad ng Bebebalm, dahil malaking exposure ang naipagkakaloob nito.

Carol Ong (kanan) habang kinakapanayam ng Serbisyo Filipino

Mga produkto ng Bebebalm

Ang Bebebalm ay tatak ng produkto na sariling-gawang Pinoy para sa mga eksema, iritasyon sa balat, at pangangati. Ang distributor nito sa CIIE ay ang Filifresh.

Hinggil naman sa pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lalo pang magbubukas ang bansa para sa mas maraming pag-aangkat mula sa ibat-ibang bansa ng mundo, partikular mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, sinabi ni Ong na, maraming salamat po.

Aniya, 13 tatlong taon na siyang naninirahan sa Tsina at nakita niya ang mabilis na pag-unlad ng bansa at buhay ng mga mamamayan nito, kasama na ang kagustuhan nila sa mga produktong may mataas na kalidad, kaya naman, malaking pagkakataon ang panahong ito, upang hanapin ng mga Pilipino ang kiliti ng mga mamimiling Tsino.

Isa rin, ani Ong na maaaring pagtuunan ng pansin ng mga kompanyang Pilipino ay ang "Silver Age Sector" o sektor ng mga retirado sa Tsina.

Ang sektor na ito aniya ay may espesyal na pangangailangan at may buying power kaya, naman maaari itong gawing napakainam na merkado ng marami sa mga kompanyang Pinoy na nagnanais pumasok at makipagnegosyo sa Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>