Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pambansang Pagdadalamhati ng Tsina para sa mga Nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), idinaos

(GMT+08:00) 2020-04-04 16:03:53       CRI


Ito po si Rhio Zablan para sa espesyal na programa ng Serbisyo Filipino - China Media Group hinggil sa Pambansang Pagdadalamhati ng Tsina para sa mga Nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ito rin ay isang programa ng paggunita sa buhay at kabayanihan ng mga martir na nag-alay ng huli at pinakamataas na sakripisyo sa pagpuksa sa epidemiya ng COVID-19.

Sa araw na ito, Abril 4, 2020, itataas sa kalahating tanghal ang pambansang watawat ng Tsina sa buong bansa, at sa lahat din ng mga embahada at konsuladang Tsino sa buong mundo. Lahat ng pampublikong aktibidad na panlibangan ay suspendido rin sa araw na ito.

Alas diyes ng umaga, lahat ng mga Tsino ay mag-aalay ng 3 minutong katahimikan para sa lahat ng pumanaw dahil sa epidemiya. Ito ay kasabay ng pagpapatunog ng mga sirena at busina ng mga kotse, tren, barko. Ito ay bilang pagpapakita ng pagdadalamhati sa mga pumanaw.

Haggang Biyernes, Abril 3, 2020, 81,639 ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland Tsina, samantalang 3,326 naman ang pangkalahatang bilang ng mga nasawi.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>