|
||||||||
|
||
Binuksan Mayo 21 at 22, 2020 sa Beijing ang pinakamalaking taunang politikal na kaganapan sa Tsina - ang Dalawang Sesyon o Liang Hui.
Ang Pulong ay tinatawag na "Dalawang Sesyon" dahil ito ay binubuo ng dalawang paggtitipon: ang pagtitipon ng National People's Congress (NPC), Pinakamataas na Lehislatura ng Tsina; at pagtitipon ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), Pinakamataas na Politikal na Tagapayong Kapulungan ng bansa.
Ang CPPCC ay binubuo ng mga representante mula sa ibat-ibang sektor ng Tsina, at sila ang kumukuha sa pulso ng taumbayan hinggil sa mga isyung panlipunan, pang-ekonomiya at pampolitika na mahalaga at nakaka-apekto sa buhay at kaligtasan ng mga mamamayan.
Pagdedebatehan nila ang mga isyung ito at gagawing mga panukala upang isumite sa NPC.
Kaugnay ng pagdaraos ng Dalawang Sesyon, pinalad po tayong makapanayam si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina upang kunin ang kanyang palagay tungkol sa mahahalagang isyung tinatalakay sa Dalawang Sesyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |