|
||||||||
|
||
Pagkaraang 7 taong talastasan sapul noong 2002, kasabay ng paglalagda ng serye ng kasunduan, komprehensibong matatapos ang pagtatatag ng CAFTA sa unang araw ng 2010. ipinalalagay ni Propesor Cao Yunhua, dalubhasa sa isyu ng ASEAN, na sa proseso ng pagpapaunlad ng CAFTA sa hinaharap, ang pamahalaan at bahay-kalakal ay magsisilbing dalawang pangunahing papel. Sinabi pa niyang:
"Sa proseso ng talastasan hanggang paglalagda ng kasunduan, ginawa ng pamahalaan ang pangunahing papel. Pagkaraang maitatag ang sona, mas maraming gawain ay dapat gawin ng mga bahay-kalakal na gaya na kung papaanong hahanapin ang kanilang market para sa mga produkto at matatamo ang kompiyensa at pagtanggap ng mga mamimili."
Tinukoy naman ni Zhang Yunling, isa pang dalubhasa sa isyu ng ASEAN, na isang starting point lamang ang pagkakatatag ng CAFTA, ang isyu kung papaanong paunlarin ito ay dapat pag-ukulan ng mas malaking pansin. Sinabi pa niyang:
"Pagkatapos ng lahat ng talastasan, ang gawain na dapat gawin ay paunlarin pa ang CAFTA batay sa isang bagong starting point, halimbawa, pasulungin ang kalakalang panserbisyo at kalakalang pampuhunan, ibayo pang palakasin ang intensity ng pagbubukas sa labas at patuloy na dagdagan ang pamilihan ng bagong nilalaman."
Anya pa, kinakaharap pa ng proseso ng pagtatatag ng CAFTA ang mga problema: dapat unti-unting palakasin ang intensity ng pagbubukas, lalong lalo na, sa larangan ng serbisyo at pamumuhunan. Para pagtagumpayan ang mga hadlang, sinabi pa ni Zhang na:
"Una, dapat ibayo pang pabutihin ng pamahalaan ang mga regulasyon at agarang ipaliwanag ang mga natuklasang problema sa proseso ng pagpapaunlad ng CAFTA. Ikalawa, dapat palakasin ng mga bahay-kalakal ang kamulatan at kakayahan ng pagsasamantala ng malayang sonang ito. Pagkatapos ng imbestigasyon at pananaliksik namin, natuklasan namin ang pangunahing problema ng mga bahay-kalakal ay hindi maunawaan ano ang dapat gawain. Para lutasin ang problemang ito, dapat ipagkaloob ng pamahalaan sa mga bahay-kalakal ang mga kinauukulang impomasyon, at sa kabilang dako naman, dapat malaman ng mga bahay-kalakal kung papaanong gamitin ang mga impormasyong iyon at pumasok sa pamilihan sa mas mababang gastos. Umaasa akong itatatag ng dalawang panig ang mga nagtutulungang organo para mapabuti ang kalagayan."
Kahit may iba't ibang kahirapan, maganda ang prospek ng CAFTA. Sinabi pa ni propesor Cao na:
"Ito ang win-win situwasyon. May mahalagang katuturan at makakabuti sa kapwa panig ang pagkakatatag ng CAFTA. Para sa Tsina, ang ASEAN ay pinakamahalagang kapitbansa ng Tsina. Sa aspekto ng pulitika, may mahalagang katuturan ang paglikha ng mainam na kapaligirang nakapaligid para sa pagbubukas sa labas at modernisasyon ng Tsina. Sa aspekto ng kabuhayan, ang ASEAN ay naging napakahalagang katuwang pangkalakalan at mga bansang pinamumuhunanan ng Tsina at naging ika-4 na katuwang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN sa isa't isa. Kasabay ng pagkakatatag ng CAFTA, ibayo pang pahihigpitin ang kaugnayang pangkabuhayan ng dalawang panig."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |