|
||||||||
|
||
Sinabi ng dokumento na itatatag ang China-ASEAN Cooperation Office para mapaunlad ang ASEAN-oriented economy. Hinggil dito, ipinaliwanag ni Li Jinzao, pirmihang pangalawang tagapangulo ng pamahalaan ng Guangxi, na:
"Sa dokumento, nabanggit ang pagtatatag ng China-ASEAN Cooperation Office. Ang gayong tanggapan ay hindi isa, kundi isang serye. Lumalawak nang lumalawak ang larangan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, bukod sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan at turismo, kundi sa mga proyekto ng pagsasanay ng mga kabataan, ng pangangalaga sa karapatan sa babae at kabataan, ng pagtutulungan sa mahihirap, sa larangang pangkalusugan at medikal at iba pa. Bukod dito, ang pagtatatag nito ay pasusulungin ang pagbubukas ng Guangxi."
Sa kasalukuyan, sinimulang itatag na ang sona ng kooperasyon ng makabagong agrikultura ng Tsina at ASEAN, ito ang bunga ng kooperasyon ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina at mga may kinalamang departemento ng ASEAN. Hinggil dito, sinabi ni Li na:
"Noong huling hati ng nagdaang taon, bumisita sa Guangxi si Ginoong Yuan Longping, bantog na siyentistang Tsino at nilagdaan namin ni Ginoong Yuan ang kasunduan. Inilagay ni Ginoong Yuan ang kanyang bunga ng pananaliksik sa sona ng kooperasyon ng makabagong agrikultura ng Tsina at ASEAN para makipag-ambag sa pagpapalaki ng output ng pagkaing-butil ng Tsina at ASEAN."
Sa mga estratehikong tungkulin sa naturang dokumento, ang Guangxi ay gawing bagong plataporma ng pandaigdig kooperasyon ng kalakalang panrehiyon. Anu-ano ang dapat gawin ng pamahalaan ng Guangxi para mapasulong ang pagtatatag ng gayong plataporma para sa pagpapatingkad ng mas malaking papel sa China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA? Sinabi ni Li na:
"Mayroon kami ng Biyatnam at iba pang bansang ASEAN ng mabuting planong pangkooperasyon. Halimbawa, magkasanib na itinatatag namin ng Biyetnam sa Pingxiang, purok panghanggahan ng Tsina at Biyetnam, ang isang pangkooperasyong sonang pangkabuhayan at sinimulan na noong nagdaang taon ang pagtatatag ng imprastruktura. Tuwang-tuwa kaming nakilala na aktibo ang Biyetnam hinggil dito. Lubos na pinahahalagahan ng mga lider sentral at pamahalaang lokal ng dalawang panig ang naturang sona. Lipos ng kompiyansa kami sa sonang ito at masigla rin ang mga bahay-kalakal sa sona."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |