|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Zhang Xiaolei, isang opisyal ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na dahil sa pagiging mahina ng pangangailan ng mga tradisyonal na pamilihan na gaya ng Europa at E.U., kinaharap ng pagluluwas ng Mechanical and Electrical Products ng Tsina ang sagabal sa Europa at E.U.. Sa kabilang dako, may bentahe ang mga panindang Tsino sa pamilihan ng ASEAN at maalwan ang konstruksyon ng CAFTA. Matatag na nagiging masigla ang kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Sinabi pa niyang:
"Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, sa Shenzhen port, 29.7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa pagitan ng Tsina at ASEAN."
Tinukoy ni Ginang Zhang na lubos na gumanap ang mga private-owned company ng sariling bentahe, aktibong isinaayos ang hakbangin para itukma ang pamilihan ng ASEAN at sa gayo'y umabot sa 4.3 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas sa ASEAN na lumaki nang 24.7% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.
Ang Konka ay isang bahay-kalakal sa Shenzhen na pangunahing nagpoprodyuse at nagbebenta ng TV, cell phone at iba pang electronics. Ngayon, sa mahigit 100 bansa at rehiyon ang negosyo nito at ang mga bansang ASEAN ay isa sa mga pangunahing pamilihan ng Konka. Isinalaysay ni Ginang Chen Yan, asistente ng pangkalahatang direktor ng Konka, na para mas mabuting magsilbi sa mga mamamayang ASEAN, espesyal na itinatag ng kompanya ang institusyon ng pananaliksik at pagpapaunlad sa ASEAN at itinatag sa Indonesya, Malaysia at Thailand ang tsanel ng pagbebentang lokal. Pinabuti rin nila ang mga produkto alinsunod sa kagustuhan ng mga mamamayang lokal. Sinabi pa niyang:
"Sa mga bansang ASEAN, mahina ang signal ng TV sa kabundukan. Espesyal na yumari kami ng TV na may malakas na kakayahan ng pagtanggap ng signal, kahit mataas ang gastusin namin sa paggawa nito. Ang aming pagsisikap ay hindi lamang nagdulot ng ginhawa para sa mga mamamayang ASEAN, kundi lumikha ng mabuting imahe para sa aming kompanya."
Bukod dito, 95% kawani ng Konka ay galing sa mga bansang ASEAN, nagdulot ito ng maraming trabaho para sa mga resitenteng lokal.
Kasabay ng pagkakatatag ng CAFTA, ibayo pang dumadalas ang pagpapalitan ng mga tauhan sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Magiging mas mahalaga ang pagbibigay ng maginhawa at mabuting serbisyo sa mga tauhan sa lokalidad. Hinggil dito, lipos ng kompiyansa si Chen Zhihong, puno ng Shenzhen Airlines na namamahala sa serbisyong pandaigdig. Sa kasalukuyan, ang Shenzhen Airlines ay nagpapatakbo ng mga regular na flights sa Singapore, Kuala Lumpur ng Malaysia, Manila ng Pilipinas at Jakarta ng Indonesya. Ayon kay Ginang Chen, ibayo pang dadagdagan nila ang flights patungo sa mga bansang ASEAN. Sinabi pa niyang:
"Para idulot ang mas mabuting serbisyo sa mga pasehero, ipinagkakaloob ng aming mga crew member ang spesyal na serbisyo. Hindi lamang mahusay sila sa wikang Inggles, kundi mahusay rin sila sa pakikipag-ugnayan sa mga pasehero sa pamamagitan ng sign language."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |