Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Maganda ang prospek ng Guangxi at ASEAN

(GMT+08:00) 2010-03-30 15:37:37       CRI
Noong katapusan ng nagdaang taon, nagpalabas ang konseho ng estado ng Tsina ng Issues on State Council Opinions on Promoting Guangxi Economic and Social Development. Ito ang unang dokumentong pampatakaran ng pamahalaang sentral para komprehensibong katigan ang pag-unlad ng Guangxi sapul nang itatag ang bagong Tsina. Noong Pebrero Uno, espesyal na nagdaos ang pamahalaan ng Guangxi ng preskon para ipaliwanag ang dokumentong ito. Sa programa ng Usap-usapn sa Tsina at ASEAN sa gabing ito. isasalaysay ko sa inyo ang hinggil dito.

Sinabi ng dokumento na itatatag ang China-ASEAN Cooperation Office para mapaunlad ang ASEAN-oriented economy. Hinggil dito, ipinaliwanag ni Li Jinzao, pirmihang pangalawang tagapangulo ng pamahalaan ng Guangxi, na:

"Sa dokumento, nabanggit ang pagtatatag ng China-ASEAN Cooperation Office. Ang gayong tanggapan ay hindi isa, kundi isang serye. Lumalawak nang lumalawak ang larangan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, bukod sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan at turismo, kundi sa mga proyekto ng pagsasanay ng mga kabataan, ng pangangalaga sa karapatan sa babae at kabataan, ng pagtutulungan sa mahihirap, sa larangang pangkalusugan at medikal at iba pa. Bukod dito, ang pagtatatag nito ay pasusulungin ang pagbubukas ng Guangxi."

Sa kasalukuyan, sinimulang itatag na ang sona ng kooperasyon ng makabagong agrikultura ng Tsina at ASEAN, ito ang bunga ng kooperasyon ng Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina at mga may kinalamang departemento ng ASEAN. Hinggil dito, sinabi ni Li na:

"Noong huling hati ng nagdaang taon, bumisita sa Guangxi si Ginoong Yuan Longping, bantog na siyentistang Tsino at nilagdaan namin ni Ginoong Yuan ang kasunduan. Inilagay ni Ginoong Yuan ang kanyang bunga ng pananaliksik sa sona ng kooperasyon ng makabagong agrikultura ng Tsina at ASEAN para makipag-ambag sa pagpapalaki ng output ng pagkaing-butil ng Tsina at ASEAN."

Sa mga estratehikong tungkulin sa naturang dokumento, ang Guangxi ay gawing bagong plataporma ng pandaigdig kooperasyon ng kalakalang panrehiyon. Anu-ano ang dapat gawin ng pamahalaan ng Guangxi para mapasulong ang pagtatatag ng gayong plataporma para sa pagpapatingkad ng mas malaking papel sa China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA? Sinabi ni Li na:

"Mayroon kami ng Biyatnam at iba pang bansang ASEAN ng mabuting planong pangkooperasyon. Halimbawa, magkasanib na itinatatag namin ng Biyetnam sa Pingxiang, purok panghanggahan ng Tsina at Biyetnam, ang isang pangkooperasyong sonang pangkabuhayan at sinimulan na noong nagdaang taon ang pagtatatag ng imprastruktura. Tuwang-tuwa kaming nakilala na aktibo ang Biyetnam hinggil dito. Lubos na pinahahalagahan ng mga lider sentral at pamahalaang lokal ng dalawang panig ang naturang sona. Lipos ng kompiyansa kami sa sonang ito at masigla rin ang mga bahay-kalakal sa sona."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>