Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sirindhorn: mahilig ako sa pag-aaral ng wikang Tsino

(GMT+08:00) 2010-03-30 20:08:10       CRI
Sa "Chinese Connection", isang aktibidad na itinatangkilik noong nagdaang buwan ng China Radio International sa CRI online para piliin ang 10 kaibigang dayuhan ng Tsina, napili si Maha Chakri Sirindhorn, prinsesa ng Thailand, dahil sa kanyang malaking impluwensiya at ambag sa relasyon ng Tsina at Thailand. Sapul nang unang dumalaw si Maha Chakri Sirindhorn sa Tsina noong 1981, dumalaw siya sa Tsina halos bawat taon at buong sikap na nagpapakilala ng kasaysayan at kulturang Tsino sa mga mamamayang Thai, at sa gayo'y nakapagbigay ng malaking ambag sa pagpapalitan ng kultura ng dalawang bansa at pagkakaibigan ng mga mamamayan. Sa programa ngayong gabi, ikukuwento ko sa inyo ang tungkol kay Maha Chakri Sirindhorn, namamakod na sugo ng pagkakaibigan ng mga mamamayang Tsino.

Ang Chulalongkorn University ay bantog na unibersidad ng Thailand. Kamakailan, idinaos noon ng Confucius Institute sa ilalim ng unibersidad na ito ang simposyum hinggil sa reporma at pag-unlad ng bagong Tsina nitong nakalipas na 60 taon. Dumalo sa simposyum si Maha Chakri Sirindhorn at nagbigay ng opening remarks sa wikang Tsino. Sa kanyang susunod na talumpati, sinabi niyang nitong nakalipas na 60 taon, nakaranas ang Tsina ng maraming kahirapan at natamo ang malaking tagumpay at naging malaking bansa sa ekonomiya sa daigdig. Anya pa, sa kasalukuyan, ang Tsina ay naging isa sa mga pinakamahalagang katuwang pangkalakalan ng Thailand at ang pag-aaral ng wikang Tsino at pagkaunawa sa kulturang Tsino ang nagiging mithiin ng maraming Thai, lalong lalo na, ng mga kabataang Thai.

Sa katotohanan, si Maha Chakri Sirindhorn ay mahusay na kinatawan ng mga Thai sa pag-aaral ng wikang Tsino. sinabi ni Guan Mu, embahador Tsino sa Thailand, na

"Nagsisikap ang prinsesa sa mahabang panahon para sa pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Thailand. nakabisita siya sa maraming lugar ng Tsina at ilampung taon na siyang nag-aaral ng wikang Tsino. pagkaraang naganap ang super-lindol sa Wenchuan ng Tsina, nagsadya ang prinsesa roon para makapagbigay ng tulong at mag-apuloy upang itatag ang mga paaralan."

Nang mabanggit ang ibinigay na ambag ni Maha Chakri Sirindhorn sa pagpapalaganap ng pag-aaral ng wikang Tsino sa Thailand, sinabi ni propesor Fu Zengyou ng Peking University at puno ng panig Tsino ng Confucius Institute sa ilalim ng Chulalongkorn University, na:

"Itinatag ang Confucius Institute sa ilalim ng Chulalongkorn University sa ilalim ng pananawagan at pagkatig ng prinsesa. Noong 2006, nang dumalaw si Maha Chakri Sirindhorn sa Tsina, pumunta siya sa Peking University at nilagdaan nila ng mga lider ng Peking university ang memorandum hinggil sa pagtatatag ng Confucius Institute. Noong 2007, opisyal na itinatag ang institute sa Chulalongkorn. Nakaroon ang prinsesa ng malaking pag-asa sa institute na ito."

Kasunod ng pagkatatag ng Confucius Institute ng Chulalongkorn, mas maraming Confucius Institute, Confucius Class ang itinatag sa Thailand. Bawat taon, halos isang libong boluntaryong Tsino ang pumupunta sa Thailand bilang guro sa wikang Tsino at nagsisilbi silang bagong tulay ng pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at Thailand.

Mahilig din ang prinsesang Thai sa panitikan at isinalin niya ang mga katha ng mga bantog na manunulat na Tsino sa wikang Thai para maunawaan ng mga mamamayang Thai ang kontemporaryong lipunan at pulitikang Tsino. bukod dito, nag-iwan ang prinsesa ng kanyang bakas sa apat na sulot ng Tsina, mula Beijing hanggang Tibet, mula dagat sa Silangang Tsina hanggang ilaya sa Hilagang Kanlurang Tsina. Sinabi pa ni Professor Fu na:

"Nitong nakalipas na 28 taon, dumalaw sa Tsina si Maha Chakri Sirindhorn nang 28 beses. Nang bumalik sa bansa, sinulat niya ang libro at isinasahimpapawid ng lahat ng TV Station ng Thailand ang kanyang pagkalakbay sa Tsina. Pinasulong nito ang pag-uunawaan ng dalawang bansa. Sa palagay ko, gumaganap ang prinsesa ng napakahalagang papel na di mahahalinhan ng iba sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng kultura ng Tsina at Thailand, lalong lalo na, ng pagpapalaganap ng wikang Tsino."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>