|
||||||||
|
||
Ngunit, hindi pinababa ng Tsina ang halaga ng RMB para maigarantiya ang pagluluwas nito at samantalang tumulong ito sa mga bansa ng timog silangang Asya. Kalahating taon lamang ang nakaraan pagkaraang maganap ang krisis na pinansyal, noong Hunyo ng 1997, nilagdaan ng Tsina at ASEAN ang magkasanib na pahayag hinggil sa pagtatatag ng partnership ng pangkapitbansaang pagtitiwalaan na humaharap sa ika-21 siglo at buong liwanag na ipinahayag ng Tsina na ang Tsina ay laging mainam na kapitbansa, kaibigan at kapartner ng ASEAN.
Noong ilang taon pagkaraan ng krisis, nagsikap ang mga bansa ng timog silangang Asya para mapasulong ang kabuhayan at noong 2000, isinakatuparan nila ang paindayog na pagahon ng kabuhayan. Ngunit, may problema sa kanilang pagpapaahon ng kabuhayan na laging tumitigil ang paglaki ng pagluluwas ng ASEAN. Kung ihahambing sa 7% hanggang 8% na paglaki ng Tsina, noong 2002, ang paglaki ng limang pangunahing bansa ng ASEAN na kinabibilangan ng Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesya at Pilipinas ay 2% hanggang 5% at nawalan ang tunguhin ng mabilis na paglaki ng 6% hanggang 7% bago maganap ang krisis na pinansyal.
Kaya, umaasa ang mga bansa ng timog silangang Asya na sasamantalahin ang pagkakataon ng pag-unlad ng kabuhayan ng Tsina at umaasa naman ang Tsina na makikipagtulungan sa mga bansa ng timog silangang Asya sa pamamagitan ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon. Kapwa ipinalalagay ng dalawang panig na ang pagtatatag ng CAFTA ay magpapasulong ng pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina at sampung bansang ASEAN, magpapalakas ng kanilang bentaheng pangkabuhayan, magpapahigpit ng kanilang kaugnayang pangkabuhayan.
May bentahe sa heograpiya ang Tsina at timog silangang Asya, marami ang kanilang komong palagay sa pulitikang pandaigdig at sa kabuhayang pandaigdig, umaasa at umaapekto sila sa isa't isa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |