|
||||||||
|
||
Noong ika-20 ng Abril ng 2004, nag-usap sa Beijing sina premyer Wen Jiabao ng Tsina at punong ministro Hun Sen ng Kambodya at malawak na nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa, at narating din nila ang mga mahalagang komong palagay. Ipinahayag ni premyer Wen ang kahandaang magsikap kasama ng panig Kambodyano para komprehensibong mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. 1. Panatilihin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas at palakasin ang mekanismo ng pagsasanggunian at pagtutulungan ng mga pamahalaan at mga departamento ng dalawang bansa para ibayo pang mapalakas ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan; 2. Palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at pabuhitin ang estruktura ng kalakalan para mapanatili ang tunguhin ng mabilis na paglaki ng kanilang bilateral na kalakalan; 3. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang kinabibilangan ng kultura, edukasyon, turismo at iba pa, at pabutihin ang mekanismong pangkooperaston ng dalawang bansa para mabisang mabigyang-dagok ang krimeng transnasyonal; 4. Pahigpitin ang kooperasyong panrehiyon at pahigpitin ang kanilang koordinasyon at kooperasyon sa pagtatatag ng CAFTA, paggagalugad sa Ilog Mekong at iba pa.
Sinabi naman ni Hun Sen na may tradisyonal na pagkakaibigan ang mga mamamayang Kambodyano at Tsino. Nanalig ang Kambodya na bilang isang mapagkaibigang kapitbansa, napakahalaga ng Tsina para sa pag-unlad ng Kambodya. Ganap na sinang-ayunan ni Hun Sen ang naturang mga mungkahi na iniharap ng premyer Tsino. Kaugnay ng isyu ng Taiwan, ipinahayag niya na buong tatag na mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina.
Noong ika-2 ng Setyembre ng 2004, nakipagtagpo kay Hun Sen sina premyer Wen at pangalawang premyer Wu Yi ng Tsina.
Noong ika-18 ng Oktubre ng 2004, nakipagtagpo sa Beijing si pangulong Hu Jintao ng Tsina kay dumadalaw na bagong Haring Norodom Sihamoni ng Kambodya. Ipinahayag ni Pangulong Hu na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Kambodya at nakahanda itong magsikap kasama ng Kambodya para mapasulong pa ang kanilang naturang relasyon sa bagong siglo. Ipinahayag naman ni Sihamoni na igigiit ng kanyang bansa ang patakarang pangkaibigan sa Tsina at mananangan ang kanyang bansa sa patakarang isang Tsina. Anya pa, magsisikap siya hangga't maaari para patuloy na mapatatag at mapasulong ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
2.Bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan at panteknolohiya
Mabilis na umuunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Kambodya, at lumagda ang mga pamahalaan ng dalawang bansa sa kasunduan ng kalakalan. Mula 1992 hanggang 2002, umuunlad nang malaki ang kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang bansa. Noong Setyembre ng 1992, opisyal na lumagda ang dalawang bansa sa kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, noong Enero ng 1994, lumagda sila sa kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, noong Nobyembre ng 1995, lumagda sila sa kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, noong Hulyo ng 1996, lumagda sila sa kasunduan ng kalakalan at kasunduan ng pagpapasulong at pangangalaga sa kalakalan, noong Pebrero ng 1999, lumagda sila sa kasunduan ng pagkakaloob ng Tsina ng preperensyal na pautang sa Kambodya at kasunduan ng kooperasyong panturismo at noong Nobyembre ng 2000, lumagda sila sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng lupon sa kooperasyong pangkabuhayan, kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at MoU sa kooperasyong agrikultural. Noong 2000, itinatag ng dalawang bansa ang lupon sa kooperasyong pangkabuhayan.
Noong 2002, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Kambodya ay 270 milyong Dolyares na lumaki ng 15%. Iniluwas ng Tsina sa Kambodya ang tela, bakal, kagamitang elektronikal, makina, materyal ng konstruksyon at iba pa at iniluwas naman ng Kambodya sa Tsina ang rubber, lapagan, kasangkapan at iba pa.
Hanggang noong Hunyo ng 2002, namuhunan ang Tsina ng mga 100 proyekto sa Kambodya na nagkakahalaga ng 300 milyong Dolyares at nasa ika-4 na puwesto ng Kambodya. Ang pamumuhunan ay nasa konstruksyon ng impraestruktura, agrikultura, pananamit, ospital at iba pa.
Para makatulong sa rekonstruksyon ng Kambodya pagkatapos ng digmaan, nagkaloob din ang Tsina ng mga tulong na pinansyal sa Kambodya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |