Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Kasaysayan] Bilateral na relasyon ng Tsina at Laos

(GMT+08:00) 2010-03-31 18:52:44       CRI
1. Bilateral na relasyong pulitikal
Noong ika-25 ng Abril ng 1961, itinatag ng Tsina at Laos ang relasyong diplomatiko. Mula noong huling dako ng ika-7 dekada hanggang kalagitnaan ng ika-8 dekada ng nagdaang siglo, lumitaw ang balakid ng relasyon ng dalawang bansa at noong 1989, napamubalik ito. Nitong mahigit 10 taong nakalipas, komprehensibong napanumbalik at napaunlad ang bilateral na relasyong Sino-Laotyano, madalas ang pagdadalawan ng mga lider ng dalawang bansa, lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pulitika, kabuhayan, suliraning militar, kultura, kalusugan at iba pa at humihigpit ang kanilang koordinasyon at kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Noong ika-11 hanggang ika-13 ng Nobyembre ng 2000, dumalaw sa Laos si Jiang Zemin, dating Pangulo ng Tsina. Ito ang kauna-unahang pagdalaw sa Laos ng lider na Tsino at may katuturan ng muhon sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa. Narating ng mga lider ng dalawang bansa ang komong palagay hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan at nilagdaan nila ang magkasanib na pahayag hinggil sa bilateral na kooperasyon.

Noong ika-28 ng Nobyembre ng 2004, dumalaw sa Laos si Premyer Wen Jiabao ng Tsina at nakipag-usap siya kay punong ministro Boungnane Vorachith ng Laos.

Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung tulad ng pagpapahigpit ng kooperasyong pangkaibigan at pangkapitbansa ng dalawang bansa sa ilalim ng bagong situwasyon. Binigyan ni Wen ng mataas na pagtasa ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Sinabi niyang nitong ilang taong nakalipas, komprehensibong umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, nagtitiwala sila sa isa't isa, pantay-pantay na nakikitungo sa isa't isa, kumakatig sa isa't isa at tumpak na tumutulong sa isa't isa. Pinasalamatan niya ang pagkatig ng Laos sa Tsina sa isyu ng Taiwan. Ipinahayag din ni Wen ang kahandaang magsikap kasama ng panig Laotyano para komprehensibong mapasulong ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. 1. Panatilihin ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa mataas na antas at palakasin ang mekanismo ng pagsasanggunian at pagtutulungan ng mga pamahalaan at mga departamento ng dalawang bansa para ibayo pang mapalakas ang kanilang tradisyonal na pagkakaibigan; 2. Palawakin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa at pabuhitin ang estruktura ng kalakalan para mapanatili ang tunguhin ng mabilis na paglaki ng kanilang bilateral na kalakalan; 3. Palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga larangang kinabibilangan ng kultura, edukasyon, turismo at iba pa, at pabutihin ang mekanismong pangkooperaston ng dalawang bansa para mabisang mabigyang-dagok ang krimeng transnasyonal; 4. Pahigpitin ang kooperasyong panrehiyon at pasulungin ang relasyon ng Tsina at ASEAN.

Sinabi naman ni Vorachith na may tradisyonal na pagkakaibigan ang mga mamamayang Laotyano at Tsino. Nanalig ang Laos na bilang isang mapagkaibigang kapitbansa, napakahalaga ng Tsina para sa pag-unlad ng Laos. Ganap na sinang-ayunan ni Vorachith ang naturang mga mungkahi na iniharap ng premyer Tsino at umaasa siyang mapapahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, siyensiya't teknolohiya, yamang-mineral, pamumuhunan, hydro-power, konstruksyon ng impraistrukturang pang-tele-komunikasyon at iba pa.

Noong ika-29 at ika-30 ng Nobyembre ng 2004, nakipagtagpo rin si Wen kina pangulong Khamtai Siphadon ng estado at pangulong Samane Vignaket ng Pambansang Asemblea ng Laos.

2. Bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan at panteknolohiya
Mula 1988 hanggang 2002, lumagda ang Tsina at Laos sa mga kasunduan sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Noong Disyembre ng 1988, lumagda ang dalawang bansa sa kasunduan ng kalakalan at sa dokumento ng kalakalan sa purok-hanggahan, noong Enero ng 1993, lumagda sila sa kasunduan ng pagpapasigla at pangangalaga sa pamumuhunan sa isa't isa, noong Disyembre ng 1993, lumagda sila sa kasunduan ng transportasyon ng bus, noong Nobyembre ng 1994, lumagda sila sa kasunduan ng transportasyon ng paninda sa Lancang-Mekong River, noong Oktubre ng 1996, lumagda sila sa kasunduan ng turismo, noong Mayo ng 1997, lumagda sila sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng lupon sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, noong Enero ng 1999, lumagda sila sa kasunduan hinggil sa pagbabawas ng double-tarrif, noong Abril ng 2000, lumagda sila ng Myanmar at Thailand sa kasunduan hinggil sa paglalayag ng mga bapor na pang-nagesyo sa Lancang-Mekong River, noong Nobyembre ng 2000, lumagda sila sa kasunduan sa magkasanib na paggagalugad sa mina sa Viantine, dokumento ng kauna-unahang pulong ng lupon ng kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan at panteknolohiya at MoU hinggil sa kooperasyong agrikultural, noong Pebrero ng 2002, lumagda sila sa kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya, kasunduan hinggil sa pagkakaloob ng Tsina ng preperensyal na pautang sa Laos at kasunduan ng bilateral na kooperasyon ng People's Bank of China at Bangko ng Laos PDR.

Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na umuunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Laos, itinatag nila ang lupon ng kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan at panteknolohiya. Noong 2000, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Laos ay 40.84 milyong Dolyares na lumaki ng 28.8% at noong 2001, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Laos ay 61.87 milyong Dolyares na lumaki ng 51.4%.

Noong 1990, sinimulang mamuhunan ang mga kompanyang Tsino sa Laos at hanggang noong katapusan ng 2001, ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ay umabot sa mga 75 milyong Dolyares at sumasaklaw sa materyal ng konstruksyon, pagtatanim't pag-alaga, produksyon ng medisina at iba pa. Samantala, aktibong lumahok din ang mga kompanyang Tsino sa mga nakontratang proyekto ng Laos at ang nakontratang pondo ay lumampas sa 500 milyong Dolyares.

Nakatulong ang Tsina sa Laos sa konstruksyon ng receive station ng satellite TV, hydrpower station sa Ilog Nanguo, Museong Kultural ng Laos, ikalawang yugto ng proyekto ng bahay-kalakal ng semento ng Wanrong.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>