|
||||||||
|
||
Ang 2000 ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar. Noong Hunyo, sa panahon ng pagdalaw sa Tsina ni Maung Aye, pangalawang tagapangulo ng Pambansang Lupon sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar, lumagda ang dalawang bansa sa magkasanib na pahayag hinggil sa framework agreement ng bilateral na kooperasyon sa hinaharap. Noong Hulyo, dumalaw sa Myanmar si pangalawang pangulong Hu Jintao ng Tsina. Sa panahon ng pagdalaw, lumagda ang dalawang panig sa kasunduan ng kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya, kasunduan ng kooperasyong pantursimo at kasunduan ng kooperasyong pangkabuhayan.
Noong ika-12 hanggang ika-15 ng Disyembre ng 2001, isinagawa ni pangulong Jiang Zemin ang 4 na araw na dalaw na pang-estado sa Myanmar. Ito ang kauna-unahang pagdalaw sa Myanmar ng pinakamataas na lider ng Tsina at may katuturan ng muhon sa kasaysayan ng relasyon ng dalawang bansa.
Noong Enero ng 2003, dumalaw sa Tsina si Than Shwe, tagapangulo ng Pambansang Lupon sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Myanmar.
Noong ika-30 ng Nobyembre ng 2004, sa panahon ng serye ng summit meeting ng ASEAN na idinaos sa Viantine, nakipagtagpo si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay punong ministro Soe Win ng Myanmar. Ipinahayag ni Wen na nakahanda ang Tsina na, batay sa patakarang pakikipagkaibigan sa mga kapitbansa at prinsipyong ang mga kapitbansa ay mga partner ng Tsina, patatagin ang pagkakaibigan nila ng Myanmar, palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan at komprehensibong pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag ni Wen na ang pagpapatatag sa tradisyonal na pagkakaibigan at pagpapalalim sa kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ay komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at komong target ng pamahalaan ng dalawang bansa. Anya, patuloy na magkakaloob ang panig Tsino ng tulong na pondo sa Myanmar para mapataas ang kakayahan nito sa sarilinang pagpapaunlad.
Sinang-ayunan ni Soe Win ang mga mungkahi ni Wen hinggil sa pagpapahigpit sa kooperasyon ng dalawang bansa at umaasa anya siya na magkakaroon ang dalawang bansa ng pragmatikong kooperasyon. Anya, sa kasalukuyan, matatag ang kalagayan ng Myanmar at patuloy na magsisikap ang kanyang pamahalaan para mapasulong ang kabuhayan at iba't ibang usapin ng lipunan ng bansa at ang proseso ng demokratisasyong pulitikal.
2. Bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan at panteknolohiya
Nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Myanmar at mabilis na lumaki ang halaga ng bilateral na kalakalan. Ayon sa estadistika ng Adwana ng Tsina, noong 2002, ang halaga ng kalakalan ng Tsina at Myanmar ay umabot sa 862 milyong Dolyares na lumaki ng 36%. Ayon naman sa estadistika ng Myanmar, ang Tsina ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Myanmar na sumunod sa Singapore at Thailand. Nagluluwas ang Tsina sa Myanmar ng makina, tela, produkto ng hay-tek at iba pa at nagluluwas naman ang Myanmar sa Tsina ng lumber, gem at converted timber at iba pa.
Hanggang noong Oktubre ng 2002, ang bilang mga nakontratang proyekto ng mga kompanyang Tsino sa Myanmar ay umabot sa mga 800 at ang nakontratang pondo ay lumampas sa 2.1 bilyong Dolyares. Ang halaga kontrata ng kooperasyon ng paggawa ng Tsina sa Myanmar ay lumapas sa 60 milyong Dolyares. Hanggang noong ika-3 kuweto ng 2002, ang bilang ng mga kompanyang pinatatakbo ng pondong Tsino sa Myanmar ay umabot sa 37, bilang ng mga proyekto ay umabot sa 36 at halaga ng pamumuhunan ay umabot sa 170 milyong Dolyares.
Noong 1971, nilagdaan ng Tsina at Myanmar ang kasunduan ng kalakalan na nagbigay sa isa't isa ng most-favoured nation treatment. Noong 1994, lumagda sila sa MoU sa kalakalan sa purok-hanggahan. Noong 1997, lumagda sa kasunduan hinggil sa pagtatatag ng magkasanib na lupon sa kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan at panteknolohiya. Noong 2001, lumagda sila sa kasunduan ng pagpapasigla at pangangalaga sa pamumuhunan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |