Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Melo M. Acuna, isinalaysay ang SONA

(GMT+08:00) 2010-07-30 17:06:40       CRI
Noong ika-26 ng buwang ito, bumigkas si bagong pangulong Noynoy Aquino ng kanyang kauna-unahang state of the Nation Address o SONA pagkaraang sumumpa sa kanyang tungkulin. Nakatawag ang SONA ng malawakang pansin ng iba't ibang sirkulo ng lipunan at mga Pilipino sa ibayong dagat. Kinapanayam kamakailan sa telepono ng aming reporter ng Serbisyo Filipino ng CRI na sina Jade at Sarah si Melo M. Acuna, Managing Editor ng CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines)News Online.

Unang una, nilagom ni Melo ang nukleong ideya at natatanging estilo ng talumpati ni Noynoy.

"Wikang Pilipino ang ginamit ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III sa kanyang kauna-unahang state of the Nation Address sa harap ng dalawang kapulungan ng bansa mga ilang minuto makalipas ang ika-apat ng hapon. Tumagal ang kanyang talumpati ng tatlumpu't pitong minuto.

Dinaluhan ang patitipon ng mga pinuno ng hudikatura, ng sandatahang lakas ng Pilipinas at mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at gawing mga samahan.

Iniulat ni Pangulong Aquino na sa tatlong linggong niyang pananatili sa Malacanang ay mas malaki ang ginastos ng pamahalaan sa unang anim na buwan ng taon o sa huling anim na buwan ng panunungkulan ng administrasyong Arroyo kaysa sa pumasok na salapi sa Kaban ng bayan.

Humigit umano ang gastos ng mga apatnapu't limang bilyong piso kaysa sa nakolekta ng pamahalaan. Binanggit din niya ang mga anomalyang naganap sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan tulad ng National Power Corporation, Metropolitan Waterworks and Sewerage System at maging sa National Food Authority.

Ito na marahil ang kauna-unahang State of the Nation Address ng bagong pangulo na tuwirang nagbigay ng tunay na larawan ng pamahalaan. Karaniwang mga palamuti ang napapakinggan sa mga nakalipas na SONA.

Sa aking pananaw ay seryoso ang pamunuang Aquino na malinis ang burukrasyaat mapigilang graft and corrupt practices.

Nangako siyang titiyaking ang salaping mula sa taongbayan ay gagastusin ayon sa mga pangangailagan ng mga mamamayan. Nakatutuwang may sapat na lakas ng loob ang bagong pangulong ng bansang ilarawan ang tunay na kalagayan ng bansa kung pananalapi, ekonomiya at pamamalakad ng pamahalaan ang pag-uusapan."

Walang duda, ang SONA ay sumasaklaw sa lahat ng mga papairaling patakaran at hakbangin ng bagong pangulo sa kanyang termino. Isinalaysay si Melo ang mga positibo at mabisang hakbagnin at patakaran na paiiralin ng bagong pamahalaan sa talumpating ni Noynoy bilang tugon sa 3 pangunahing isyu na palagiang pinahahalagahan ng publiko na gaya ng pagsugpo sa korupsyon at pagtatatag ng malinis na pamahalaan; pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan; pagpapasulong ng pambansang rekonsilyasyon at pagpapanatili ng katatagan ng kalagayang panloob.

"Binanggit ni Pangulong Aquino na lalagdaan na niya sa susunod na linggo ang kauna-unahan niyang executive order na bumubuo at bumabalangkas sa Truth Commission na pamumunuan ni dating Chief Justice Hilario Davide. Dito mababatid kung hanggang saan makararating ang pagsisiyasat sa mga sinasabing anomalya ng nakalipas na administrasyon. Ipinangako rin ni Pangulong Aquino na kanyang hahabulin ang mga tao at kumpanyang hindi nagbabayad ng sapat na buwis.

Kayang ipinangako na gagawin ang lahat upang maiwasan ang maranyang paggastos ng salapi ng mamamayan. Iiwasan na rin umano ang pagwawaldas ng salapi mula sa kaban ng bayan.

Prayoridad niya ang edukasyon, imprastruktura, kalusugan, militar at pulisya at hindi mangingiming makipagkasunod sa ilalim ng Private-Public Partnership at paghuhusayin pa ang palatuntunang sumasaklaw sa Build-Operate-Transfer.

Ang binanggit ng Pangulong Aquino sa Mindanao ay ganito, makikipag-usap ang pamhalaan sa lahat ng stake holder tulad ng mga lumad o mga katutubo, mga Muslim at mga Kristiyano. At handa sila, handa ang pamahalaang Aquino na makipag-usap sa mga Muslim sa oras na matapos ang Ramadan. Kaya't mayroong liwanag na nakikita na baka sakaling dumating na ang kapayapaan sa katimugang bahagi ng Pilipinas na sinasabing napakayaman sa likas na yaman ito tulad ng pangisdaan at petrolyo na sinsabing nasa ligawasan Mars at naroon sa Sulu Sea na karaniwa'y mga Muslim ang naninirahan."

Ang mga ipinangako ni Noynoy noong panahon ng kaniyang pangangampanya ay mainit na tinanggap ng mga Pinoy. Ayon naman sa mga public opinion poll na inilunsad kamakailan ng Philippine mass media. Lumalabas na napakapopular pa rin ni Noynoy, pero ilan lang ang nagpapalagay na maaaring maisakatuparan ng bagong pangulo ang lahat ng kanyang pangako; samantala halos kalahati naman ng mga respondent ay nagpapalagay na maaaring maisakatuparan ni Noynoy ang bahagi ng kanyang mga pangako. Hinggil dito, ipinaliwanag ni Melo na:

"Malaki ang tiwala ng taongbayan kay Pangulong Aquino. Sa survey na ginawa kamakailan, nahigitan pa niya ang popularidad ng kanyang namayapang ina na nanungkulan noong 1986.

Hadlang sa kanyang mga layunin ang kawalan ng salapi ng pamahalaan at ang magiging papel ng Truth Commission ni Dating Chief Justice Hilario Davide sapagkat maliban sa Truth Commission, mayroon nang mga sangay ng pamahalaan tulad ng kagawaran ng katarungan, ombudsman at sandiganbayan na nararapat maglitis sa anumang krimeng malalantad sa Truth Commission."

Ang Tsina at Pilipinas ay matalik na magkaibigan at sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, lagi nang pinahahalagahan ng mga lider ng dalawang bansa ang pagpapaunlad ng pagpapalagayan ng dalawang panig at magkapamilya ang turingan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kaya naman ang mga mamamayang Tsino ay lubos na nagbibigay-pansin sa mga patakarang panlabas ng pamahalaan ni Noynoy. Sa huling bahagi ng interbyu, isinalaysay ni Melo ang positibong nilalaman ng talumpati ni Noynoy kaugnay ng relasyong Sino-Pilipino.

"Private-public partnership. Ganon din po iyung relasyon sa mga pribadong kumpanya at ng pamahalaan kaya't marahil ito na iyung sinasabing pagtutulungan ng pribado at pampublikong sector para sumulong ang bansang tulad ng Pilipinas. Kaya't maaari pong mangyari na may mga kumpanyang Tsino na magkalakal din sa Pilipinas kaya nga lamang ang ipinangako ni Pangulong Noynoy para maiwasan ang kontrobersya everything will be done above board."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>