|
||||||||
|
||
R: Magandang gabi po mga kaibigan at mga katoto. Ito po muli si Rhio, kasama si Andrea ang inyong mga makakasama sa espesyal na programang inihanda ng Serbisyo Pilipino hinggil sa Chinese New Year o Spring Festival sa gabing ito. Pero, bago ang lahat, gusto ko munang bumati ng maligayang Spring Festival sa lahat ng ating mga tagapakinig at kaibigan diyan sa Pilipinas at sa lahat ng sulok ng daigdig.
A: Tama ka diyan, Rhio! At siyempre, gusto ko ring batiin ng magandang gabi ang ating mga giliw na tagasubaybay at maligayang Spring Festival sa inyong lahat! Ito po si Andrea
R: Nitong nakalipas na ilang taon, ang paglalakbay ng mga mamamayan tuwing Spring Festival ay unti-unting nagiging moderno. Sa programa namin ngayong gabi, tatalakayin namin ni Andrea ang hinggil sa pagbiyahe sa mga bansa sa Timog Silangang Asya tuwing Spring Festival.
A: At tiyak na maraming aktibidad ng pagdiriwang para sa Spring Festival diyan sa China Town sa Pilipinas!
R: Ah! Tama ka diyan siyempre, Andrea. Siya nga pala, kumusta ang iyong biyahe sa Pilipinas, noong nakalipas na dalawang linggo? Nag-enjoy ba kayo?
A: Siyempre naman! We had a full schedule. Nagpunta kami sa Manila, Tagaytay, Palawan, Angeles City at Subic.
R: Napakarami naman pala ang inyong pinuntahan. Parang gusto ko ring magbakasyon ah Hehehe… Eh, ano naman ang iyong impresyon sa Pilipinas at saka sa mga Pilipino?
A: Well, ang mga Pilipino ay talagang mababait, hospitable, at palangiti. Pero, ang Pilipinas ay malaki ang pagkakaiba kumpara sa Tsina.
R: Eh, anu-ano naman ang mga pagkakaibang ito? At anu-ano ang mga nakita mong kaaya-aya at kakaakit?
A: Unang una, napakaganda ng inyong dagat. Talagang kaakit-akit ang putting buhangin, bughaw na kalangitan, at mga puno ng niyog ng Pilipinas.
R: Ah! Totoo iyan! Masayang masaya ako dahil nag-enjoy ka sa iyong pagbisita sa aking bayan. Pero, alam mo, ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay karaniwang mayroong mga tanawing ganito, katulad din ng sa Indonesya, Malaysia at Thailand.
A: Opo. Alam mo, dahil napakalamig ngayon dito sa Beijing, ang iyong mainit na bansa ay mainam na destinasyon para sa mga tao. Noong ako ay nasa Pilipinas, t-shirt lang ang suot ko, puwede na Hehehe…
R: Tama. Pero, dito sa Beijing, doble-doble ang kasuotan natin dahil talagang sobra ang lamig
A: Haha! Alam mo ba? Doon sa mga isla ng Palawan, may mga gumagawa ng tradisyonal na masahe.
R: Ah, talaga? Hehehe… Gusto ko rin nun Hehehe… Eh, nagpamasahe ka naman ba, at nag-enjoy ka ba sa iyong message?
A: Hindi masyado kasi, maraming tao eh. Kinailangan ko pang pumila at maghintay para sa masahe. Pero, sabi ng mga kasama kong turista, enjoy na enjoy sila.
R: Haha! Iyong message at spa sa Pilipinas, talagang kilala sa daigdig. Noong panahon ng Shanghai World Expo, ang spa ay isang tampok na katangian ng Philippine Pavilion. Hindi bale Andrea, sa susunod na bibisita ka sa Pilipinas, sasamahan kita at dadalhin kita sa isang kilalang spa sa Maynila para mag-relax tayo. Teka muna, kumusta naman ang mga pagkaing Pilipino? Masarap ba?
A: Oh. Ang inyong pagkain ay talagang kakaiba, at nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Kumain ako ng longaniza, kare-kare, pansit, at bumisita kami ng Mekeni Company sa Pampanga, iyong mahusay na gumagawa ng longganiza, tocino at iba pang karne.
R: Ah, kilalang kilalang kompanya iyan sa Pilipinas, at talagang mahusay sila.
A: Doon sa Pilipinas, marami akong kinain na karne at seafood. Haha… Bawat meal ay may karne. Para sa almusal, longaniza o bangus. Para naman sa tanghalian at hapunan, inihaw na manok at baboy o inihaw na tilapia. Sa Tsina, lagi akong kumakain ng purong prutas lang.
R: Hehehe… Ganoon talaga ang tradisyunal na Pilipinong pang-agahan Hehehe… Dito naman sa Tsina, ang tradisyunal na agahan ay deep-fried twisted dough sticks at soya bean milk o steamed roll at porridge. Tama ba?
A: Tama ka diyan. Ang isa pang pagkakaiba sa Pilipinas ay mga inumin. Dito sa Beijing, kaunti lang ang iniinom ng mga tao tuwing kakain. Kung minsan, sa parti o pagsasalu-salo, iinom kami ng beer, wine o soft drinks. Pero, sa Pilipinas, mukhang gusto ng mga tao ang tubig na may yelo, juice na may yelo, at beer na may yelo. Kaya, pag-order ko ng mainit na tubig sa restaurant, natawa sa akin ang mga waiter.
R: Hehehe… Ganoon talaga sa aking bansa kasi, laging mainit doon.
A: Opo. At marami rin akong nakitang mga gulay at prutas na wala o kakaunti lang dito sa Tsina. Halimbawa: kalamansi, chico, avocado, dalanghita at puso ng saging.
R: Oo. Ang mga iyan kasi ay tumutubo lang sa mga tropical countries na gaya ng Pilipinas. Aling supermarket naman ang pinuntahan ninyo?
A: SM Mall of Asia.
R: Ah, Mall of Asia. Isa iyan sa mga pinakamalaking mall sa daigdig. Hindi matatapos ang pamamasyal doon sa loob ng isang araw. Hehehe…
A: Tama ka diyan. At doon, nakita ko ang brand na "Kultura," isang tindahan na nagbebenta ng mga tradisyonal na bagay ng Pilipinas bilang souvenir at pasalubong.
R: Ah, tindahan iyan ng mga hand-made na produkto.
A: Opo. Talagang delicate ang mga items. At gusting-gusto ko iyong mga mangkok (bowl), kutsara at tinidor (spoon and fork), at plato (plate) na yari sa kahoy. Mabuti ang kalidad at hindi mahal.
R: Tama ka dyan, Andrea. Ito ay isa sa mga pang-akit ng mga turistang dayuhan. Sa mga bansa sa Timog Silangang Asya, gaya ng Singapore at Thailand, maraming ring mga mall at duty-free shop.
A: I see. Sa Pilipinas, marami akong nakitang mga turistang dayuhan, lalung-lalo na, sa Palawan. Ang mga naging kasama ko sa isang package tour doon ay mga taga-Amerika, Australya, at Britanya, at ilan sa kanila ang nagsasalita ng Tagalog.
R: Talaga? Nakakatuwa naman iyon! Pero, alam mo, karamihan sa mga Pilipino ang mahusay sa Ingles, iyong mga taxi driver, mga tourist guide, mga waiter, mga shop assistant at marami pang iba. Kaya, ang mga turista sa Pilipinas ay magkakaroon ng mas medaling panahon sa pakikipag-usap at pamamasyal. Mas madali ang biyahe.
A: Bukod dito, sa Pilipinas, marami ang restaurant na dayuhan. Nagse-serve sila ng Vietnamese food, Spanish food, Japanese food at Chinese food.
R: Tama!
R: Okay, Talakayin naman natin ngayon ang kalakaran ng turismo sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Bilang isang biyahera, ano ang masasabi mo rito, Andrea?
A: Sa palagay ko, maganda ang prospekt ng pamilihan ng turismo ng mga bansa sa Timog Silangang Asya dahil sa ibinibigay na magandang serbisyo, masarap na pagkain at magandang tanawin. Sa tingin ko, malawak ang potensyal ng turismo sa rehiyong ito.
R: Hehehe… Maraming salamat. Pero, sa tingin ko, kailangan pa rin ang mas maraming exposure sa aspektong iyan. At ang Philippine Embassy sa Tsina ay nagsisilbing mabuting modelo sa aspektong iyan.
A: Opo. Nagdaraos sila ng mga aktibidad na panturismo bilang suporta sa programa ng Pilipinas na isulong ang turismo sa bansa. Dahil sa kanilang mabisa at magaling na programa, ipinasiya kong pumunta sa Pilipinas, haha!
R: Oh, talaga? Dapat pala natin silang pasalamatan
A: Ang isa pang mahalagang dahilan ay gusto kong matuto ng conversational Tagalog, gusto kong makita kung paano ito ginagamit ng mga Pilipino sa araw-araw. Kakaiba kasi ito sa Tagalog na pinag-aralan namin sa paaralan.
R: Medyo iba kasi ang Wikang Pilipino sa paaralan at iba naman sa conversational. Pero, huwag kang mag-alala, narito na ako sa Beijing at lagi tayong mag-uusap sa Wikang Pilipino Hehehe…
A: Great! Salamat po! At tungkol sa aking paglalakbay sa Pilipinas, gusto kong ipahayag ang pasasalamat sa aking mga kaibigang Pilipino- Si Melo Acuna, ang ating overseas reporter doon sa Pilipinas, si Arvie, Kuya Rodel, Jone at ang kanyang magandang asawa. Dahil sa kanila, naging mas maalwan at maganda ang biyahe ko. Salamat po!
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |