Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2012

(GMT+08:00) 2012-11-22 17:52:24       CRI

Ang taong 2012 ay ika-10 anibersaryo ng paglalagda ng Framework Agreement on China-ASEAN Comprehensive Economic Cooperation at taon ng kooperasyon ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina at ASEAN. Sa ilalim ng pagsisikap ng dalawang panig, natupad o isinasagawa ang serye ng mungkahi na ipinatalastas ng mga lider ng dalawang panig sa summit bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng China-ASEAN Dialogue Relations. Patuloy na pinalalalim ang konstruksyon ng China-ASEAN Free Trade Area o CAFTA, matatag na pinasusulong ang pragmatikong kooperasyon sa siyensiya, teknolohiya, pangangalaga sa kapaligiran, kultura, edukasyon at iba pang larangan, at natatamo ang mayamang bunga ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.

1. Pulitika, Depensa at Kaligtasan

Pulitika

Sa taong 2012, pinangalagaan ang mahigpit na pagpapalitan ng Tsina at ASEAN sa mataas na antas. Mahigit 50 ang bilang ng pagdalaw na mga opisyal na hawak ay lagpas sa antas ng Pangalawang Punong Ministro ng dalawang panig sa taong ito, at ito ay ibayo pang nagpalakas ng estratehikong pagkakaunawaan at koordinasyon sa isa't isa.

Lumahok si Yang Jiechi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa serye ng mga pulong ng Ministrong Panlabas ng Porma ng ASEAN na idinaos noong Hulyo sa Phnom Penh, Kambodya. Inulit niya ang prinsipyo ng Tsina na magpapasulong ng pagkakaibigan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at ASEAN.

Upang ibayo pang palakasin ang mekanismo ng ugnayan ng Tsina at ASEAN, itinayo ng Tsina ang Embahada ng Tsina sa ASEAN sa Jakarta, Indonesya at hinirang si Yang Xiuping bilang Embahador. Noong ika-27 ng Setyembre, idinaos ang seremonya ng pagbubukas ng Embahada ng Tsina sa ASEAN.

Pinangalagaan ng 2 panig ang mahigpit na pagpapalitan at koordinasyon sa loob ng UN, G20, APEC, Summit ng Silangang Asya at iba pang panrehiyon at pandaigdig na organisasyon hinggil sa mga mahalagang isyu, magkasama nilang pinasulong ang pagtatayo ng makatarungan at maayos na bagong kaayusang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig. Ito'y gumanap ng positibong ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.

Aktuwal na Kooperasyon ng South China Sea

Ang taong 2012 ay Ika-10 anibersaryo ng paglalagda ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, sa kabuuan, mainam ang tunguhin ng proseso ng pagsasakatuparan ng deklarasyong ito. Noong Enero, dito sa Beijing, idinaos ng Tsina at mga bansang ASEAN ang ika-4 na Pulong ng mga Mataas na Opisyal at ika-7 Pulong ng Working Group. Noong Hunyo, sa Hanoi, idinaos ang ika-5 Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng pagsasakatuparan ng naturang deklarasyon, at narating ang komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng pagsasakatuparan ng deklarasyon, at pagpapasulong ng aktuwal na kooperasyon ng South China Sea.

Ayon sa Plano ng Gawain sa taong 2012 na pinagtibay ng ika-4 na Pulong ng mga mataas na opisyal, itinaguyod ng Tsina ang Seminar On Marine Disaster Prevention and Mitigation in the South China Sea and the Seminar on Marine Ecological Environment and Surveillance Technology sa South China Sea.

Pinanatili ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pag-uugnayan hinggil sa pagbalangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC). Noong Ika-8 ng Hulyo at Ika-13 ng Setyembre, magkahiwalay na idinaos ng mga mataas na opisyal ng dalawang panig ang di-pormal na pagsasanggunian para talakayin ang mga may kinalamang isyu. Ito ay nagpalalim ng pagkakaunawaan sa isa't isa at nagpakita ng hangarin ng aktibo at magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Nagpadala naman ang panig Tsino ng delegasyon para dumalo sa Track 1.5 seminar on COC na itinaguyod ng think tanks ng mga bansang ASEAN sa Malaysiya. Nagpalitan ang mga kalahok ng palagay hinggil sa mga may kinalamang isyu.

Gawaing Pandepensa at Panseguridad

Ika-29 ng Mayo, 2012, dumalo si Liang Guanglie, Ministro ng Tanggulan at Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa kauna-unahang Pagsasanggunian ng mga Ministro ng Tanggulan ng ASEAN at Tsina na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia. Nagpalitan ang mga kalahok ng palagay hinggil sa kalagayang panseguriad ng rehiyong ito at pagpapalalim ng kanilang pagtitiwalaan at pagtutulungan.

Nitong Mayo, nagtulungan ang mga panig pulisya ng Tsina at 7 bansang ASEAN na kinabibilangan ng Thailand, Malaysiya, Cambodia, Indonesiya, at Pilipinas para matagumpay na puksain ang "November 29" telecom fraud gang. Dinakip nila ang 482 suspek para mabisang pigilan ang pagkalat ng ganitong krimen sa rehiyong ito.

Sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng simposyum at klase ng pagsasanay, pinanatili ng panig pulisya ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mahigpit na pagpapalitan at pag-uugnayan. Noong Mayo rin, dumalo ang delegasyong Tsino sa ASEAN Chiefs of Police Meeting na idinaos sa Naypyidaw, Myanmar. Hulyo ng kasalukuyang taon, idinaos sa Probinsyang Zhejiang, China, ang pagsasanay para sa mataas na opisyal ng pulis ng Tsina at ASEAN. Mula Hunyo hanggang Agosto, idinaos sa Beijing ang ika-9 na China-ASEAN Investigation Technology Training Program. Bukod pa riyan, itinakda ng panig Tsino na bago dumating ang katapusan ng taong ito, idaraos ang Senior Law-Enforcement Officers Workshop para sa mga mataas na opisyal ng bansang ASEAN.

2.Kabuhayan, Kalakalan, at Pamumuhunan

Noong taong 2011, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa $362.85B na lumaki ng 23.9% kumpara sa taong 2010. Ang ASEAN ay naging ika-3 pinakamalaking trade partner ng Tsina, ika-4 na pinakamalaking pamilihang pinagluluwasan at ika-2 pinakamalaking rehiyon na pinag-aangkatan. Ang Tsina naman ay naging pinakamalaking trade partner ng ASEAN nitong nagdaang 3 taong singkad. Hanggang katapusan ng Setyempre, 2012, ang bolyum ng bilarteral na kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa $288.89B.

Lumalaki ang pamumuhunan ng Tsina at ASEAN sa isa't isa. Hanggang sa dulo ng Setyempre ng taong ito, ang bolyum ng pamumuhunan ng dalawang panig ay umabot sa $94B. Sapul noong 2006, itinatag ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang 5 sona ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa Cambodia, Thailand, Biyetnam, at Indonesiya na may lawak na 31 kilometro. Sa pagtatapos ng Hulyo ng taong ito, hinikayat ng naturang 5 sona ang $934M na pamumuhunan at 91 bahay-kalakal. Ang halaga ng mga produkto ng naturang mga bahay-kalakal ay umabot sa $1.45B. Ipinagkaloob ng mga bahay-kalakal ang halos 8,000 trabaho para sa lokalidad.

Noong katapusan ng Hulyo, 2012, ilang kontratang nagkakahalaga ng $134.9B ang pinirmahan ng mga korporasyong Tsino sa mga bansang ASEAN, at ito ay kumita ng $87B.

Ika-9 na China-ASEAN Exposition (CAExpo)

Mula ika-21 hanggang ika-25 ng Setyempre ng taong ito, idinaos ang Ika-9 na CAEXPO sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Dumalo sa pulong ito sina Pangalawang Pangulo Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Thein Sein ng Myanmar, Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos, Punong Ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, Pangalawang Punong Ministro Muhyiddin Mohamad Yassin ng Malaysiya, Pangalawang Punong Ministro Kittiratt Na-Ranong ng Thailand, Espesyal na Sugo ng Pangulong Pilipino na si Sen. Mar Roxas, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Lim Hong Hin ng Sekretaryat ng Secretariat, at Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Supachai ng UNCTD.

Kasabay nito, idinaos din sa Nanning ang Ika-9 na China-ASEAN Business and Investment Summit and the Forum on China-ASEAN Free Trade Area. Ang paksa ng summit na ito ay pagtutulungan sa isa't isa para sa win-win situation. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas si Xi Jinping, Pangalawang Pangulo ng Tsina, at bumigkas ng talumpati na Pinamagatang "Magkakasamang Pasulungin ang Malalimang Kooperasyon para Maisakatuparan ang Sustenableng Pag-unlad." Dumalo rin sa seremonya si Thein Sein, Pangulo ng Myanmar, at nagbigay din diya ng talumpati.

3.Kooperasyong Pinansyal

Noong ika-17 ng Mayo, 2012, itinaguyod sa Beijing ng State Development Bank (SDB) ng Tsina ang ika-2 pulong ng Konseho ng China-ASEAN Inter-bank Association. Lumagda ang iba't ibang kasaping bangko sa "Supplement Agreement on China-ASEAN Inter-Bank Association Cooperation." Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon. Tinalakay din ang posibilidad ng pagkakaloob ng pagkatig na pinansyal sa mga pangunahing proyekto sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, koryente, agrikultura, katam-taman at maliliit na bahay-kalakal, enerhiya, at kooperasyon sa mga larangang gaya ng local currency settlement at transaksyon ng capital. Ang mga ito ay nakapaglatag ng pundasyon para sa ibayo pang pagpapalalim ng kooperasyon sa hinaharap.

4.Siyensiya, Teknolohiya, Pangangalaga sa Kapaligiran, at Karapatan sa Pagmamay-Ari sa Likhang-Isip (IPR)

Siyensiya't Teknolohiya

Ang taong 2012 ay taon ng Kooperasyong Pansiyensiya't Panteknolohiya ng Tsina at ASEAN. Itinangkilik ng kapuwa panig ang isang serye ng aktibidad hinggil dito.

Noong ika-18 ng Mayo, idinaos sa Naypyidaw, Kabisera ng Myanmar, ang ika-17 pulong ng Magkasanib na Komisyon ng Teknolohiya ng Tsina at ASEAN.

Noong ika-22 ng Setyembre naman, idinaos sa Guangxi, Nanning, ang kauna-unahang pulong ng mga Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina at ASEAN. Dumalo sa naturang pulong ang Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina na si Wan Gang, mga ministro ng siyensiya't teknolohiya ng 10 bansang ASEAN, at mga mataas na opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN. Nang araw ding iyon, pormal na sinimulan sa Nanning ang plano ng partnership ng siyensiya't teknolohiya ng Tsina at ASEAN. Samantala, sinimulan ang magkasamang pagtatatag ng plataporma ng pagtatamasa ng resources satellite data, unang proyekto sa ilalim ng balangkas ng ganitong partnership.

Noong Oktubre at Nobyembre, sunud-sunod na idinaos sa Tsina ang workshop ng patakaran at pangangasiwa sa siyensiya't teknolohiya para sa mga bansang ASEAN, at Porum ng Tsina at ASEAN.

Pangangalaga sa Kapaligiran

Sa taong 2012, aktibong ipinatupad ng Tsina at ASEAN ang Estratehiya ng Kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa Pangangalaga sa Kapaligiran. Itinakda ng kapuwa panig ang Plano ng Aksyon sa Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina at ASEAN, at isinagawa ang mga aktibidad na gaya ng diyalogo sa patakaran, konstruksyon ng kakayahan, pananaliksik sa kooperasyon sa isyu ng kapaligirang panrehiyon, at iba pa.

——Pagsasagawa ng China-ASEAN Green Ambassador Plan

Ang planong ito ay naglalayong sa pamamagitan ng pagtalakay, pagpapalitan, at iba pang paraan, palakasin ang kakayahan ng mga decision-maker ng pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran, pataasin ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga sa kapaligiran, pahigpitin ang pagpapalitan ng mga kabataan ng kapuwa panig sa larangan ng pangangalaga sa kapaligiran, at pasulungin ang inobasyon ng teknolohiya ng pagtatatag ng mapagkaibigang kapaligiran.

Mula noong ika-22 hanggang ika-24 ng Mayo, 2012, idinaos dito sa Beijing ang China-ASEAN Youth Seminar on Green Development. Mula noong ika-15 hanggang ika-21 ng Hulyo naman, itinaguyod sa Beijing ang Workshop ng Green-Economy at Pangangalaga sa Kapaligiran ng Tsina at ASEAN.

——Pagpapatupad ng Plano ng Kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa Biological Diversity at Pangangalaga sa Kapaligirang Biolohikal

Noong ika-18 ng Setyembre, 2012, idinaos sa Beijing ang Simposyum ng Tsina at ASEAN Hinggil sa Praktis ng Pangangalaga sa Biological Diversity. Nagpalitan ang mga kalahok ng kuru-kuro hinggil sa matagumpay na praktis ng pangangalaga sa biological diversity, at nagbahagi ng kani-kanilang mga karanasan.

Pangangalaga sa Karapatan sa Pagmamay-Ari ng Likhang Isip (IPR)

Sa taong 2012, naging malawak at malaliman ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa larangan ng IPR.

Upang mapasulong ang diyalogo ng Tsina at mga bansang ASEAN hinggil sa kalagayan ng pag-unlad ng iba't ibang bansa, rehiyon at buong mundo, at mapatupad ang mga kinauukulang nilalaman sa "Memorandum of Understanding ng Republika ng Bayan ng Tsina at Mga Pamahalaan ng Mga Kasaping Bansa ng Association of Southeast Asian Nations Hinggil sa Kooperasyon sa IPR," itinaguyod ng panig Tsino ang simposyum ng Tsina at ASEAN hinggil sa pangangalaga sa IPR, tradisyonal na kaalaman, at yamang henetiko dito sa Beijing mula ika-10 hanggang ika-12 ng Setyembre ng taong 2012. Aktibong tinalakay ng mga opisyal ng mga departamento ng IPR, dalubhasa at iskolar ng sirkulo ng IPR mula sa Tsina at ASEAN ang hinggil sa pangangalaga sa tradisyonal na kaalaman at yamang henetiko para hanapin ang kooperasyon.

5.Teknolohiya sa Impormasyon at Komunikasyon, at Abiyasyong Sibil

Teknolohiya sa Impormasyon at Komunikasyon (ICT)

Pagpasok ng taong ito, matatag na umuunlad ang pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN sa ICT.

Noong Marso, lumahok ang Tsina sa working group meeting ng Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN sa ICT. Noong Hulyo naman, lumahok ang Tsina sa round table meeting ng Konseho ng Tsina at ASEAN ng Pangangasiwa sa Tele-komunikasyon. Sa dalawang pulong na ito, nagpalitan ng palagay ang iba't ibang panig hinggil sa pag-unlad ng ICT ng Tsina at ASEAN, mga patakaran ng pangangasiwa, at mga proyektong pangkooperasyon sa larangang ito.

Noong Enero, idinaos sa Shenzhen, Tsina, ang pagsasanay ng Tsina at ASEAN sa broadband communications technology at paggamit nito. Noong Hunyo, idinaos sa Lianyungang, Tsina, ang seminar ng Tsina at ASEAN hinggil sa paggamit ng information technology sa mga maliit at katamtamang-laking bahay-kalakal. Noong Setyembre naman, magkahiwalay na idinaos sa Nanning at Beijing ang seminar ng Tsina at ASEAN hinggil sa distance education, at seminar ng Tsina at ASEAN hinggil sa teknolohiya at paggamit ng broadband wireless mobile communications.

Sa loob ng taong ito, idaraos din ng Tsina ang pagsasanay ng Tsina at ASEAN sa teknolohiya at paggamit ng cloud computing, at seminar ng Tsina at ASEAN sa cyber security. Lalahok sa mga ito ang mga kinatawan mula sa departamento ng mga bansang ASEAN na namamahala sa ICT, at mula sa sekretaryat ng ASEAN. Ang dalawang aktibidad ay makakatulong sa pagpapalitan ng karanasan, at pagpapalakas ng kakayahan ng Tsina at ASEAN sa pagpapaunlad ng ICT, at sa aspekto ng cyber security.

Abiyasyong Sibil

Mula noong ika-10 hanggang ika-14 ng Setyembre ng taong ito, idinaos sa Kunming, Tsina, ang ika-6 na pulong ng working group ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) at ASEAN sa rehiyonal na transportasyong panghimpapawid. Ginawa ng mga kalahok ang pagsasanggunian hinggil sa ika-2 protokol ng China-ASEAN Air Transport Agreement (CAATA) na may kinalaman sa ika-5 freedom traffic rights sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at ng dalawang panig sa ika-3 bansa.

Sa Nobyembre, idaraos ng Tsina sa Yunnan ang seminar ng Tsina at ASEAN hinggil sa pangangasiwa sa kaligtasan ng operasyon ng abiyasyong sibil, kung saan sasanayin ang 20 propesyonal sa larangang ito para sa mga bansang ASEAN. Sa loob ng taon, idaraos naman ng Tsina sa Tianjin ang seminar ng Tsina at ASEAN hinggil sa airport at airspace capacity assessment, kung saan sasanayin ang 20 propesyonal sa larangan ng air traffic para sa mga bansang ASEAN.

Idaraos sa Indonesya sa Nobyembre ang mga pulong ng mga ministro at mga mataas na opisyal ng transportasyon ng Tsina at ASEAN. Lalahok sa mga pulong na ito ang Civil Aviation Administration of China, para ilahad ang kalagayan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa abiyasyong sibil nitong nakalipas na isang taon, at pinakahuling pag-unlad sa aspektong ito.

6.Kultura, Edukasyon at Turismo

Kultura

Idinaos noong ika-25 ng Mayo, 2012, sa Singapore ang kauna-unahang Pulong ng mga Ministro ng Kultura ng Tsina at ASEAN. Sinang-ayunan ng iba't ibang kalahok na maging mekanismo ang pulong na ito, at tinalakay ang hinggil sa takbo ng mekanismong ito, kooperasyong pangkultura ng dalawang panig sa susunod na yugto, at Action Plan of China-ASEAN Cultural Cooperation.

Sapul noong 2006, idinaos na ng Tsina at ASEAN ang 6 na porum hinggil sa industriya ng kultura. Nagbigay ito ng positibong ambag sa pagbabahagi ng yaman at pragmatikong kooperasyon sa pagpapalitang pangkultura ng rehiyon, at sa pagpapalalim ng relasyong Sino-ASEAN. Sa taong ito, binago ang tawag ng porum na ito na "Porum sa Kultura ng Tsina at ASEAN," at ang pinakahuli ay idinaos sa Nanning, Tsina, mula noong ika-10 hanggang ika-14 ng Setyembre.

Edukasyon

——Linggo ng Pagpapalitan ng Tsina at ASEAN sa Edukasyon

Mula noong ika-17 ng Setyembre hanggang ika-20, sa lalawigang Guizhou ng Tsina, idinaos ang Linggo ng Pagpapalitan ng Tsina at ASEAN sa Edukasyon. Ang tema ng akdibidad na ito ay "Pagbubukas, Inobasyon, at Aktuwal na Kooperasyon". Sa loob ng linggong ito, idinaos ang iba't ibang akdibidad na tulad ng "Porum ng mga Tagapangulo ng mga Unibersidad ng Tsina at ASEAN", "Kapistahan ng mga Masarap na Pagkain ng Tsina at ASEAN", "Simposyum sa Pag-unlad ng Industriyang Kultural ng Tsina at ASEAN", "Porum ng Tsina at ASEAN sa Edukasyong Medikal" at iba pa. Lumahok sa naturang mga akdibidad ang mahigit 600 kinatawan na mula sa mga organong kinabibilangan ng Administratibong Departamento sa edukasyon ng mga bansang ASEAN, kinauukulang pamantasan, embahada ng iba't ibang bansang ASEAN sa Tsina, Sentro ng Tsina at ASEAN, Sekretaryat ng ASEAN, Alyansa ng mga Pamantasan ng ASEAN, at lumahok din sa naturang akdibidad ang mga kinatawan mula sa ilang Pamantasan ng Tsina.

——10 Sentro ng Vocational Education ng Tsina at ASEAN

Sa Ika-14 na Pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN noong nakaraang taon, iniharap ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang mungkahi na "itatag ang 10 Sentro ng Vocational Education ng Tsina at ASEAN sa harap ng ASEAN, para ipagkaloob ang human resources para sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng mga bansang ASEAN ". Sa kasalukuyan, tapos na ang konstruksyon ng nasabing mga sentro sa Rehiyong Autonomo ng Guangxi, lalawigang SiChuan, YunNan, GuiZhou, FuJian, HeLongjiang at iba pa. Ang nilalaman ng pagsasanay ay kinabibilangan ng eksbisyong komersyal, kutura at sining, pagtuturo ng Mandarin, Traditional na panggamot na Tsino, bagong energy at iba pa.

——"Plano ng Pagpapalitan ng mga Estudyante"

Sa katapusan 2011 umabot sa 54,790 ang bilang ng mga estudyante na mula sa 10 bansang ASEAN na nag-aaral sa Tsina. Kinabibilangan ito ng 4118 estudyente na may Chinese Government Scholarship. At ang Mag-aaral na Tsino sa iba't ibang bansang ASEAN ay umabot sa 101,039. Sa taong ito, patuloy na dinadag ng Tsina ang bilang ng Government Scholarship para sa mga bansang ASEAN upang pasulungin ang pagsasagawa ng Plano ng Pag-aaral sa Tsina, at para umakit ng mas maraming estudyente ng mga bansang ASEAN na mag-aral sa Tsina, at himukin ang mga estudyente ng Tsina at ASEAN na palakasin ang bilateral na pagpapalitan.

——Pagtuturo ng Wikang Tsino at Sentro ng Pananaliksik sa ASEAN o mga bansang ASEAN

Pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapalakas ng pagtuturo ng Wikang Tsino sa iba't ibang bansang ASEAN. Sa kasalukuyan, itinatag na ng Tsina ang 26 Confucius Institutes at 14 Confucius Classes sa Kambodya, Laos, Malaysia, Myanmar, Indonesiya, Pilipinas, Singapore, at Thailand.

Kasabay nito, pinalakas ng Tsina ang pananaliksik tungkolsa mga bansang ASEAN. Sa maraming pamantasan ng Tsina na tulad ng Unibersidad ng Peking, Beijing Foreign Studies University, Xiamen University, Guizhou University, Yunnan University, itinatag ang Sentro ng Pananaliksik sa ASEAN o mga bansang ASEAN. Sa ilampung pamantasan sa Tsina, sinimulan ang kurso ng wika ng iba't ibang bansang ASEAN, at dinagdagan ang bilang ng mga estudyenteng Tsino na nag-aaral ng wika ng mga bansang ASEAN. Bukod dito, nagiging mas madalas ang academikong pagpapalitan.

Turismo

Nitong ilang taong nakalipas, ipinagkaloob ng National Tourism Administration ng Tsina o CNTA ang preperensyo para sa mga bansang ASEAN at Sekretaryat ng ASEAN na lumahok sa Perya ng Pandaigdigang Turismo ng Tsina. Sa taong ito, ang CNTA ay patuloy na magkakaloob ng 2 libereng booth para sa bawat bansang ASEAN at Sekretaryat ng ASEAN, at i-aayos ang booth nila na magkakatabi. Kaugnay ng aktibidad na idinaos ng iba't ibang bansang ASEAN sa panahon ng eksibisyon, ipinagkaloob ng CNTA ang pagkatig at tulong.

Noong Pebrero, dito sa Beijing, idinaos ang kauna-unahang Porum ng Luntiang Turismo ng Tsina at ASEAN na magkasamang itinaguyod ng Pambansang Komisyon sa Reporma at Pag-unlad ng Tsina, Sentro ng Tsina at ASEAN at CNTA. Noong Abril, sa ilalim ng tulong ng CNTA, ang isang shooting crew ng CCTV na pinamumunuan ng Sentro ng Tsina at ASEAN ay pumunta sa Kambodya, at kinunan ang lokal na yamang panturismo doon. Ipinalabas ang programang ito sa CCTV.

7.Kalusugan, Adwana at Pagsusuperbisa ng Kalidad, Inspeksyon at Pagkuwarentenas

Kalusugan

Noong ika-29 ng Marso ng taong 2012, idinaos ang Ika-2 Pulong ng Pag-Unlad sa Kalusugan ng Tsina at ASEAN sa mataas na antas sa Cebu, Pilipinas. Noong ika-6 ng Hulyo ng taong ito, idinaos ang ika-4 na Pulong ng mga Ministro ng Kalusugan ng Tsina at ASEAN sa Phuket Island, Thailand. Tiniyak ng pulong na ito ang preperensyal na larangan ng kooperasyon ng 2 panig sa kalusugan, nagpalitan sila hinggil sa karanasan ng pagpipigil ng paninigarilyo at nilagdaan nila ang "Memorandum ng mga Pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina at Kasaping Bansa ng ASEAN hinggil sa Kooperasyon ng Kalusugan."

Noong Abril, idinaos sa Beijing ang simposyum hinggil sa tradisyonal na medisina ng Tsina at ASEAN na may temang "Isama ang Tradisyonal na Medisina sa Loob Ng Pambansang Sistemang Medical."

Noong Agosto, inanyayahan ng Tsina ang mga bansang ASEAN na lumahok sa Porma ng Kalusugan ng Tsina na idinaos sa Beijing, nagpalitan sila ng karanasan hinggil sa reporma sa medisina at kalusugan.

Sa taong ito, isinagawa ng dalawang panig ang proyekto ng pagpigil at paggamot ng AIDS sa rehiyong panghanggahan ng Tsina at Myanmar, Tsina at Byetnam, Tsina at Laos; proyekto ng magkasanib na pagpigil ng malaria/dengue fever sa rehiyong panghanggahan sa Lalawigang Yunan ng Tsina; at kauna-unahang programa ng pagpigil at pagkontrol sa dengur fever sa rehiyong panghanggahan ng Greater Mekong Sub-Region.

Adwana

Noong ika-5 hanggang ika-9 ng Hunyo ng taong 2012, idinaos sa Manila, Pilipinas, ang Ika-10 Pagsasanggunian ng mga Puno ng Adwana ng Tsina at ASEAN, nagpalitan ang mga kalahok hinggil sa pagpapalakas ng kakayahan, pagpapataas ng kaligtasan ng pandaigdig na supply chain at ginhawa, at tinalakay ang mga suliranin ng pandaigdig na organisasyon ng adwana at pandaigdig na organisasyon ng kalakalan.

Noong Hunyo, idinaos sa Guilin, Rehiyong Aotonomo ng Guangxi, Tsina ang seminar ng mga "Authorized Economic Operator (AEO)" ng adwana ng Tsina at ASEAN.

Noong Setyembre, idinaos ang pagsasanay ng follow-up na inspeksyon ng adwana sa Shanghai, Tsina, at 20 mataas na opisiyal ng adwana ang kalahok.

Pagsusuperbisa ng Kalidad, Inspeksyon at Pagkuwarentenas

Noong ika-19 hanggang ika-21 ng Setyembre ng taong ito, idinaos ang ika-3 Ministerial Meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa Pagsusuperbisa ng Kalidad, Inspeksyon at Pagkuwarentenas (Kooperasyon ng SPS). Ang tema ng pulong na ito ay "Palakasin ang Kooperasyon para Mabigay ng Serbisyo sa Konstruksyon ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng ASEAN at Tsina." Pagkatapos ng pagsuri at pag-aproba, pinagtibay ng pulong ang "Plano ng Implementasyon (2013-2014) ng MOU ng Tsina at ASEAN sa Kooperasyon ng SPS (MOU-SPS)," itinakda nito ang mga mahalagang proyektong pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN sa larangan ng SPS sa susunod na 2 taon, ipinalabas din ang "Magkasanib na Pahayag ng Ika-3 Ministerial Meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa Pagsusuperbisa ng Kalidad, Inspeksyon at Pagkuwarentenas (Kooperasyon ng SPS)."

Noong ika-20 ng Setyembre, pormal na binuksan ang website ng SPS ng Tsina at ASEAN, magkasanib na ginalugad ito ng 2 panig. Ang mga pangunahing seksyon ay kinabibilangan ng sentro ng pagbabalita, ministerial meeting, sistema ng koordinasyon ng SPS, kaalaman sa SPS, mga batas at regulasyon ng SPS, pest risk, kooperasyon at pagpapalitan at mga may kinalamang kasunduan ng SPS.

8.Paggalugad ng Greater Mekong Subregion (GMS)

Kalakalan at Pamumuhunan

Aktibo at buong lakas na isinusulong ng Tsina ang pagtatatag ng GMS economic corridor. Sa ika-4 na GMS Economic Corridor Forum na idinaos sa Mandalay, Myanmar, noong ika-28 ng Hunyo, 2012, iniharap ng panig Tsino ang mga mungkahi tungkol sa pagtatatag ng GMS economic corridor na gaya ng pagpapasulong ng pagtatatag ng transport corridor, Pan-Asia railway, industrial parks, cross-border cooperation zone, trade facilitation at information superhighway, pagpapatupad ng malawakang ugnayan, pagpapahigpit ng kooperasyon sa pagtatatag ng economic corridor. Noong unang kalahati ng taong ito, inihandog pa ng panig Tsino ang isang simposyum ng mga opisyal tungkol sa pagpapasimple ng kalakalan sa GMS at pinaplanong paghubog sa 1500 propesyonal para sa mga bansa ng GMS sa darating na tatlong taon.

Kapaligiran

Mataas na pinahahalagahan ng Tsina ang kooperasyon at pagpapalitang pangkapaligiran sa mga bansa ng GMS. Aktibong lumahok ang bansa sa pag-aaral at pagtatakda ng ika-2 framework document at action plan (2012-2016) ng Core Environment Program-Biological Diversity Corridor Initiative (CEP-BCI) (2006-2011). Noong Mayo ng taong ito, sa ika-18 taunang pulong ng GMS environment working group na idinaos sa lunsod ng Jinghong sa lalawigang Yunan ng Tsina, sinuri at napasa ang ika-2 yugto ng CEP at sa kasalukuyan, sinimulan na ang nasabing programa.

Transportasyon

Ang ika-3 tulay na bumabagtas sa Ilog Mekong (Chiang Khong-Houayxay Bridge) na naguugnay sa Laos at Thailand sa kanlurang ruta ng GMS North-South Economic Corridor (Kunming-Laos-Bangkok highway) ay magkasamang pinondohan ng pamahalaang Sino-Thai. Sinimulang itatag ito noong Pebrero ng taong 2010 at tinayang tatapusin sa Hunyo ng taong 2013. Ang parte ng gitnang ruta ng GMS North-South Economic Corridor (Kunming-Hanoi-Haiphong) sa loob ng Tsina na may habang 407km, ay itinaas sa antas ng expressway, gayun din ang 179km na silangang ruta sa bahagi ng Tsina na may haba na 1208km(Kunming-Nanning-Hanoi).

Mahigpit ang nagkooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN. Para ibayo pang magbigay-ginhawa sa transportasyong panlupa sa pagitan ng mga dalingan ng Tsina at Biyetnam, nilagdaan ng dalawang bansa ang Agreement on Permitting Licenses for International Road Transportation sa Beijing noong Mayo, 2012, na sumasang-ayong buksan ang apat na pampasaherong ruta at isang freight route sa pagitan ng dalawang bansa at idinaos na ang seremonya ng pagsisimula noong Agosto ng taong ito.

9.Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap at Kaunlarang Panlipunan

Mula noong ika-26 hanggang ika-27 ng Setyembre, 2012, idinaos ang Ika-6 na China-ASEAN Forum tungkol sa Social Development and Poverty Reduction na may temang "China and ASEAN: Inclusive Development and Poverty Reduction".

Mula noong ika-13 hanggang ika-15 ng Setyembre, idinaos sa Hanoi ang Ika-7 pulong ng mga mataas na opisyal hinggil sa Social Welfare at Development ng Tsina at ASEAN na may temang "Pagpapasulong ng kapakanang panlipunan at seguridad para sa mga mahinang grupo".

Sa taong ito, ihahandog pa ng panig Tsino ang China-ASEAN Seminar on Spatial Information Products Sharing in Disaster Risk Mitigation at kasama ng Sekretaryat ng ASEAN, idaraos ang siposyum ng mga mataas na opisyal Sino-ASEAN tungkol sa istantardisasyon ng pasegurong panlipunan, kung saan tatalakayin ng mga kalahok ang desenyo at pagpapatakbo ng public service ng nasabing usapin.

10.Pagpapalitan ng mga Kabataan

Inihandog ang apat na training courses para sa mga batang opisyal mula sa mga bansang ASEAN at nahubog ang 200 batang opisyal para sa sampung bansang ASEAN. Sa kasalukuyan, tatlong kurso na ang natapos.

Noong Mayo ng taong ito, idinaos ang ika-3 Lancang-Mekong River Youth Friendly Exchange Program sa Tsina, Thailand at Kambodya, mga 68 kabataan na kinabibilangan ng 11 kinatawang Tsino ang lumahok sa naturang aktibidad. Sa kasalukuyan, walong beses na itong isinagawa at ito'y nilahukan ng 519 mahusay na kabataan mula sa iba't ibang sirkulo ng anim na bansa sa GMS.

Pinaplano pa ng panig Tsino na idaos ang Ika-7 China-ASEAN Youth Camp at aanyayahan nito ang 100 kabataang ASEAN na bumisita ng Tsina.

Bukod dito, maraming beses na magkasamang inihandog ng Tsina at ASEAN ang China-ASEAN Student Summer/winter Camps, Chinese Bridge language competitions at iba pang programa para himukin ang mga unibersidad sa rehiyong panghanggahan na isagawa ang pakikipagpalitan sa kanilang mga courterpart na ASEAN. Umabot na sa mga 1000 ang bilang ng mga kabataang ASEAN na bumisita ng Tsina bawat taon kung saan napahigpit ang pag-unawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga batang henerasyon ng magkabilang panig.

Para sa English Version, i-click ito

Para sa Chinese Version, i-click ito

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>