Pinakamahigpit na hakbangin ng paglaban sa COVID-19, isinasagawa sa Hebei

2021-01-10 10:59:15  CMG
Share with:

Kaugnay ng mabilis na paglaki ng bilang ng mga kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lalawigang Hebei, lalung-lalo na sa Shijiazhuang, punong lunsod ng lalawigang ito, ipinahayag nitong Enero 8, 2021, ni Ma Xiaowei, Direktor ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na dapat ipatupad sa lalawigang ito ang pinakamataas na lebel ng alerto, at isagawa ang pinakamahigpit na mga hakbangin ng pagpigil, para putulin ang pagkalat ng sakit.

 

Hiniling ni Ma, na isagawa ang ilang round ng nucleic acid test sa mga residente sa buong Shijiazhuang, para matuklasan ang lahat ng mga potensyal na positibong kaso.

 

Dapat din aniyang pabilisin ang imbestigasyon sa pinagmulan ng kasalukuyang epidemiya sa Hebei, at tsanel ng pagkalat ng virus.

 

Sa kasalukuyan, nasa lockdown ang Shijiazhuang.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method