Xi Jinping, binati ang pagkahalal ni Thongloun ng Laos; ugnayan ng dalawang bansa, palalakasin

2021-01-22 11:26:35  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagkahalal ni Thongloun Sisoulith bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), ipinahayag nitong Huwebes, Enero 21, 2021 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong ng bansa ang kaniyang pagbati.
 

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipag-usap kay Thongloun sa telepono.
 

Saad ni Xi, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang relasyong Sino-Lao. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Lao, na ibayo pang pahigpitin ang pag-uugnayan sa mataas na antas, palakasin ang estratehikong ugnayan, at palalimin ang pagpapalitan ng karanasan sa pangangasiwa sa partido at bansa.
 

Dapat buong tatag na pasulungin ng kapuwa panig ang konstruksyon ng mga mahalagang proyektong gaya ng ekonomikong koridor at daambakal ng Tsina at Laos, at pasulungin ang pagtamo ng magkasamang pagtatatag ng dalawang bansa ng Belt and Road ng mas maraming bunga, diin ni Xi.
 

Dagdag niya, kinakatigan ng Tsina ang ginagawang pagsisikap ng panig Lao para sa pagpuksa ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at nakahandang aktibong isaalang-alang ang pagbibigay ng ng bakuna kontra COVID-19 sa panig Lao.
 

Taos pusong pinasalamatan ni Thongloun ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa iba’t ibang panahon ng pag-unlad ng Laos, na kinabibilangan ng pagharap sa pandemiya ng COVID-19.
 

Aniya, patuloy na pasusulungin ang pagpapatupad ng plano sa aksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Laos at Tsina, palakasin, kasama ng panig Tsino, ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at pahigpitin ang mapagkaibigang pagpapalitan sa iba’t ibang antas.
 

Sa panahon ng pag-uusap sa telepono, magkasamang ipinatalastas ng dalawang lider ang pormal na pagsisimula ng taon ng pagkakaibigan ng Tsina at Laos.
 

Salin: Vera

Please select the login method