|
||||||||
|
||
2013AYGGlof
|
Ipinagbubunyi ng Team Pilipinas ang unang medalyang ginto at pilak ng bansa sa Ika-2 Asian Youth Games (AYG).
Si Legaspi nasa gitna at si Superal nasa kaliwa
Nanguna si Claire Amelia Legaspi sa Women's Individual Strokeplay ng Golf at nasungkit nito ang unang ginto ng bansa sa buong kasaysayan ng AYG.
Sa panayam ng AYG News Service ilang minuto pagkatapos ng laro, sinabi nyang ipinagmamalaki nya ang unang medalya ng Pilipinas sa AYG. At talagang pinaghirapan nyang makuha ito.
Nang tanungin hinggil sa kanyang plano sa hinaharap, sinabi ng gold medalist na sana ay makabalik sya sa Tsina para sumali sa Youth Olympic Games sa susunod na taon. Ani ng golfer maganda ang golf course ng Nanjing.
Samantala silver medal naman mula sa parehong kategorya ang ambag ni Princess Mary Superal sa over-all medal tally ng bansa. Sinabi ni Legaspi hindi madali ang manalo ng silver. Maganda ang laro ni Superal at ikinagagalak nyang pareho silang makapaguuwi ng medalya sa Pilipinas. Ipinagmamalaki nya ang kanyang teammate.
Ayon kay Superal kung bibigyan nya ng score ang kanyang laro ito ay makakakuha ng higit 90%. At maganda ang kanyang drive, pero dagdag ng atleta kailangan pa itong pagbutihin dahil bagamat diretso, kulang naman ito sa layo.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nasa ika-13 pwesto sa kabuuang medal standings ng AYG.
Reporter: Machelle at Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |