BEIJING--Sinabi kahapon sa Beijing ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na sa pamamagitan ng komprehensibo, epektibo at sustenableng pagtupad sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), walang-humpay na nagsisikap ang bansa para makatugon sa pagbabago ng klima.
Ipinagdiinan din niyang bilang isang signataryong bansa ng UNFCCC, nagtitiyaga ang Tsina para maging pangunahing bansa sa pagtitipid sa enerhiya, at pagdedebelop ng bago at renewable energies.
Winika ito ni Premyer Li sa Pulong ng National Leading Group on Climate Change, Energy Conservation and Emissions Reduction.
Nakahanda aniya ang Tsina na makipagtulungan sa iba't ibang panig para matiyak ang paglagda ng komprehensibo at balanseng kasunduan sa United Nations Climate Change Conference na gaganapin sa Paris sa Disyembre ng taong ito.
Salin: Jade