|
||||||||
|
||
Bubuksan sa Beijing ang Ika-7 Global Poverty Reduction and Development Forum sa ika-16 ng Oktubre. Ibabahagi sa porum ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang karanasang Tsino sa pagbabawas ng karalitaan.
Gaganapin ang porum sa bisperas ng Ika-23 International Day for the Eradication of Poverty at Ika-2 National Poverty Relief Day ng Tsina, na kapuwa matatapat sa ika-17 ng Oktubre.
Mahigit 300 kinatawan mula sa mga bansa, pangunahin na mga umuunlad na bansa at organisasyong pandaigdig ang lalahok sa idaraos na porum.
Tsina, unang umuunlad na bansang naisakatuparan ang UN MDGs
Ang Tsina ay ang unang umuunlad na bansa na naisakatuparan ng United Nations Millennium Development Goals (MDGs) sa pangangalahati ng bilang ng mahihirap na mamamayan bago ang 2015 deadline.
Noong nakarang 15 taon, mahigit 6 na milyong mamamayang Tsino ang nakahulagpos sa karalitaan. Ang bilang na ito ay katumbas ng 70% ng mga taong nakahulagpos sa kahirapan sa buong daigdig.
Target ng Tsina sa 2020
Sa kabila ng mga natamong progreso, ayon sa datos sa katapusan ng 2014, mahigit 70 milyong Tsino, 5% ng populasyon ng bansa ang namumuhay pa rin sa ibaba ng poverty line ng bansa na 2,300 yuan (376 U.S. dollars) ang taunang kita. Ito ay nagsisilbing hamon para maisakatuparan ng Tsina ang target na makahulagpos sa karalitaan ang sambayanan sa 2020.
Ipinahayag ng pamahalaang Tsino upang maisakatuparan ang nasabing target, momobalisahin nito ang iba't ibang sektor ng lipunan para mas maraming tao ang makapag-ambag para rito.
Pagbibigay-tulong sa ibang umuunlad na bansa
Ipinangako rin ng pamahalaang Tsino ang patuloy na pagbibigay-tulong sa ibang umuunlad na bansa para mapahupa ang karalitaan at mapasulong ang kaunlaran.
Sa pulong ng United Nations noong nagdaang Setyembre, ipinangako ni Pangulong Xi na ibubuhos ang inisyal na 2 bilyong dolyares na pondo para tulungan ang mga umuunlad na bansa sa pagsasakatuparan ng MDGs
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |