|
||||||||
|
||
Bangkok, Thailand, 2003
Ang isinuot ng mga lider sa group photo ng di-pormal na pulong sa Bangkok ay national costume ng Thailand na nagtatampok ng Thai silk. Ang Thai silk ay kumakatawan sa pinakasulong na teknik ng industriya ng silk weaving ng Thailand, at nagsilbi itong espesyal na kasuotan ng maharlikang pamilya. Hanggang sa ika-20 siglo, pinahintulutan ang pagsuot ng mga sibilyan ng Thai silk. Sa panahon ng pulong, ang kamisadentrong yari ng Thai silk ay inihandog para sa mga kalahok na lider, 2.3 metrong sedang bupanda ang ibinigay sa mga asawa ng mga lalaking lider, at para sa mga asawa ng tatlong kalahok na babaeng lider ay kurbata at cuff-link.
Santiago, Chile, 2004
Ang Chamanto, tradisyonal na baligtarang poncho ng Chile ang inihandog sa mga kalahok na lider. 4 na buwan ang kinakailangan para gumawa ang mga mahusay na manggagawa ng isang Chamanto. Bukud-tangi ang kulay at disenyo ng Chamanto na isinuot ng bawat lider.
Busan, Timog Korea, 2005
Habang kinukunan ang APEC leaders group photo sa Busan, isinuot ng mga lider ang Darumagi, isang uri ng overcoat ng hanbok, tradisyonal na kasuotang Koreano. May 7 kulay ang Darumagi, at ang dibuho sa Darumagi ay sumagisag sa mahabang buhay at kawalang-kupas.
Hanoi, Biyetnam, 2006
Sa ika-14 na Asian-Pacific Economic Cooperation sa Hanoi, humarap sa publiko ang mga kalahok na lider o kinatawan suot ng Ao Dai. Dahil ang karamihan ng mga lider ay lalaki, espesyal na idinesenyo ng panig Biyetnamese ang estilong panlalaki ng Ao Dai na tinawag na Ao Cuoi. Magkahawig ang disenyo ng Ao Dai at Ao Cuoi, at mas maigsi kaysa Ao Dai ang Ao Cuoi, at may limang kulay ito na kinabibilangan ng asul, luntian, pula, dilaw at rosas. Kabilang sa mga ito, ang asul na Ao Cuoi ay pinakapaborito ng mga lalaking lider.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |