|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina, 2014
Noong 2014, bumalik sa Tsina ang APEC meeting. Sa Water Cube, pinagdausan ng bangketeng panalubong ng panig Tsino, nagsuot ang mga panauhin ng new Chinese-style outfits. Ang pangunahing materiyal ng new Chinese-style outfits ay Song Brocade, isa sa mga intangible cultural heritage ng Tsina. May stand up collar, raglan sleeve, swastika decoration pattern at sea and mountain pattern ang kasuotan para sa mga lalaking lider. Para sa mga babaeng lider naman, ginamit ang douppioni fabric na may sea and mountain pattern. Nagsuot ang mga babaeng kamag-anak ng mga lider ng front opening coat at cheongsam skirt na may stand up collar.
Manila, Pilipinas, 2015
Sa isang panayam nauna rito, sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ng Pilipinas na iba't ibang disenyo ang mga barong Pilipino na isusuot nina Pangulong Barack Obama at Xi Jinping at iba pang mga pinuno ng mga bansang kabilang sa APEC. Aniya, noon pang nakalipas na taon pinag-isipan ng fashion designer na si Paul Cabral ang ipasusuot na Barong Pilipino at bestida para sa mga panauhin.
Si Paul Cabral, fashion designer
Ipinaliwanag naman ni G. Paul Cabral, napiling gumawa at magdisenyo ng isusuot nina Pangulong Barack Obama, Xi Jinping at Prime Minister Shinzo Abe at iba pang APEC leaders, na gawa sa pinya na may halong sutla ang gagamitin para sa makasaysayang pagtitipon. May bestida rin para sa mga Pangulo ng South Korea at Chile. Ang disenyo ay mula sa kultura ng bawat bansa, paliwanag pa ni G. Cabral.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |