"Bilang isang bukas at inklusibong organo, tatanggapin ng Asian Infrastructure Investment Bank(AIIB) ang mga bagong kasapi, alinsunod sa mga may-kinalamang regulasyon." Ito ang ipinahayag nitong Huwebes, Abril 7, 2016 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa puna mula sa Ministri ng Kalakalang Panlabas ng Canada sa maling patakarang isinagawa mismo ng pamahalaan ng Canada. Ito'y nagresulta sa pagkawala ng pagkakataong maging bansang tagapagtatag ng AIIB ang Canada, dagdag pa ng nasabing ministri.
Ipinahayag ni Lu na bilang tagapag-taguyod ng pagtatatag ng AIIB, positibo ang Tsina sa walang tigil na paglakas ng AIIB, para maisakatuparan ang muling kasiglaan ng kabuhayang pandaigdig at magkakasamang pag-unlad ng ibat-ibang miyembro ng komunidad ng daigdig.
Itinatag ang AIIB noong 2015. Sa kasalukuyan, limampu't pitong bansang kinabibilangan ng Pilipinas ang mga kasaping tagapagtatag.