|
||||||||
|
||
Ginanap kamakailan sa Singapore ang "Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development." Ipinahayag ng mga kalahok na dalubhasa at iskolar mula sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na napakalaki ng potensyal ng pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, at hindi ito maaapektuhan ng isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Win Tin, chief editor ng magasing "North Star" ng Myanmar, na ang nasabing simposyum ay nagkaloob ng pagkakataon para sa pagkaunawa ng dayuhang bansa sa patakaran ng Tsina sa South China Sea.
Ipinahayag din ni Kavi Chongkittavorn, propesor ng Chulalongkorn University, na sa kasalukuyan, nananatiling matimpi ang pag-isip ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Umaasa aniya siyang direktang malulutas ng Tsina at Pilipinas ang kanilang alitan.
Sinabi ni Shahriman Lockman, mataas na tagapag-analisa ng International Institute for Strategic Studies (IISS) ng Malaysia, na may napakalaking potensyal ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN. Hindi dapat maapektuhan ang relasyong ito ng iisang isyu ng South China Sea.
Sa huling dako ng kasalukuyang buwan, gaganapin ang serye ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN. Sa darating na Setyembre, idaraos sa Vientiane, Laos, ang summit bilang paggunita sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong pangdiyalogo ng Tsina at ASEAN.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Lockman na sa pamamagitan ng nasabing plataporma, maaaring ilabas ang isang signal sa labas na puwedeng hawakan nang matimpi at mahusay ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga isyung mayroong nagkakaibang palagay ang dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |